Tunay na Triple Crown Champ ang kabayong Kid Molave
MANILA, Philippines – Nitong mga nakaraang taon ay nakita natin ang patuloy na pagyabong ng industriya ng karera. Ang pag-unlad na ito ay maipagpasalamat sa pagtutulu-ngan ng Philippine Racing Commission (Philracom) at ng tatlong karerahan sa bansa.
Kabalikat ng Philracom ang karerahan ng San Lazaro Leisure Park na nasa Carmona Cavite, karerahan ng Santa Ana Park na nasa Naic Cavite, at ang pinakahuling naitatag na Metro Turf Club na nasa lugar naman ng Malvar-Tanauan sa Batangas.
Masasabi na kumpleto na ang pagkakaroon ng Triple Crown stakes winners dahil tatlo na nga ang karerahan. Noon kasi ay dalawa lang ang karerahan, pero nagpapakarera ng Triple Crown na pinaghahatian ng dalawang racing club.
Ang Triple Crown stakes race ay kinopya sa Amerika dahil doon ay sa tatlong magkakahiwalay na karerahan ginaganap ang bawat yugto. At kapag isang kabayo lang ang nagwagi sa tatlong yugto ay tinatawag itong Triple Crown Stakes Champion.
Noong 1978 unang nailarga ang triple crown stakes race dito sa bansa. Nagpapalitan ng panalo ang mga magagaling na three year old horses sa tatlong yugto. Noong 1981 nang may matatawag na Triple Crown stakes Champion dahil ang kabayong Fair And Square ang siyang nanalo sa tatlong yugto.
Ang maituturing na pinaka-unang kampeon sa triple crown ay ang Kid Molave na pag-aari ng negosyante at sportsman na si Emmanuel Santos. Sa tatlong magkakahiwalay na racing club itinakbo ang tatlong yugto ng triple crown noong Mayo 17 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite, sa Santa Ana Park sa Naic Cavite noong Hunyo 14 at sa Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan Batangas noong Hulyo 12.
Nang maupo bilang bagong Philracom Chairman si Andrew A. Sanchez ay nagkaroon ng pa-contest ang mga photographers sa tatlong yugto ng Triple Crown. Ang premyo nga ay P20,000 sa napiling may pinakamagandang kuha.
May mga sorpresa ring nangyari sa mundo ng karera.
Ang pinakahuli nga ay ang pagkakapanalo ng dehadong si Dixie Gold sa Presidential Gold Cup kung saan tinalo nito ang higit na inaasahang si Low Profile.
Nagkaroon rin ng mga kanselasyon sa karera. Ang una sa taong ito ay noong dumalaw ang Mahal na Santo Papa Francis noong Enero 15, 2015. Nagkaroon rin ng iba pang kanselasyon nang ayaw magsisakay ang mga hinete sa karerahan ng Metro Turf. Gayundin naman ang kanselasyon ng pakarera sa Santa Ana Park dahil sa malfunction ng betting machine at idugtong pa ang kanselasyon sa SLLP dahil naman sa bagyo.
Inaasahan na ang pagpasok ng Bagong Taong 2016 ay higit na sasagana ang industriya ng karera sa pagtutulungan pa rin ng tatlong malalaking grupo ng horseowners na Klub Don Juan De Manila, (KDJM); Metropolitan Association of Race Horse Owners, (MARHO); at ang Philippine Thoroughbreds Owners and Breeders Organization, (PHILTOBO).
- Latest