‘Manny Pacquiao Presents Blow by Blow’ inilunsad
MANILA, Philippines – Muling bubuhayin ni Manny Pacquiao ang isang boxing competition na dumidiskubre ng mga boxing talents na kikilalanin bilang “Manny Pacquiao Pre-sents Blow by Blow.”
Pinangunahan ni dating North Cotabato Governor Emmanuel Piñol ang paglulunsad ng torneo kasama sina boxing promoter Lito Mondejar at TV5 Chot Reyes ang pagbabalik sa telebisyon ng Blow by Blow.
“Manny (Pacquiao) is one of the most inspiring sports icons the Philippines has ever produced so it comes as no surprise that many aspiring boxers wants to follow his footstep,” sabi ni Piñol. “Manny is himself is the one who decided to revived the program and take it upon himself to personally discover and nurture his possible successor.”
Nagsimula si Pacquiao ng kanyang boxing career sa Blow by Blow at nakatakda na naman itong magretiro matapos ang kinukunsidera nitong pinakahuling laban sa Abril ng 2016.
Magtutulong ang TV5 at Blow by Blow Promotions sa torneo na direktang nakatuon sa pagdidiskubre sa mga bagong henerasyon na posibleng maging kampeon sa boxing sa pagsasagawa ng kada buwan na sagupaan sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Sisimulan ang torneo sa General Santos kung saan ipapalabas ang mga laban sa telebisyon kada-Linggo sa ganap na alas-2 ng hapon simula sa Disyembre 13 bago ang mga laro ng PBA.
Limang weight division lamang ang paglalaba-nan base sa format na kinabibilangan ng flyweight, bantamweight, featherweight, lightweight at welterweight, na mga dibisyon kung saan tinanghal na kampeon si Pacquiao.
Suportado naman ni TV5 President at Chief Executive Officer Noel Lorenzana at TV5 Chairman at sports patron Manny V. Pangilinan ang bagong prog-rama ni Pacquiao na makakatulong sa boxing.
- Latest