Berkeley-Baguio, Holy Angel-Pampanga kampeon sa Luzon SBP-Passerelle
MANILA, Philippines – Kinumpleto ng Berkeley School ng Baguio at ng Holy Angel University ng Pampanga ang Small Basketeers Philippines at Passerelle twin national championships.
Ito ay matapos nilang pangunahan ang kani-kanilang dibisyon sa idinaos na Luzon Regional Finals sa Baguio City.
Makikipag-agawan ang Berkeley School sa Visayas champion na Ateneo de Iloilo, Mindanao titlist na Ateneo de Davao at National Capital Region (NCR) representative La Salle-Greenhills para sa national SBP crown sa torneong inorganisa ng BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) na sinusuporta-han ng Milo.
Ang mga runner-up sa Berkeley School ay ang International School for Better Beginnings (Lucena), Don Bosco Academy (Pampanga) at Wonderland School (Dagupan).
Kakatawanin naman ng Holy Angel ang Luzon sa national Passerelle Finals laban sa Visayas qualifier Sun Yat Sen School ng Iloilo, Mindanao champion Ateneo de Davao at NCR representative Adamson University.
Ang Urdaneta City National High School, St. Louis University (Baguio) at International School for Better Beginnings (Lucena) ang sumunod naman sa Holy Angel sa Passerelle.
- Latest