Boston lalong ibinaon ang Philadelphia
BOSTON – Humakot si Isaiah Thomas ng 30 points, umiskor si Jae Crowder hit ng go-ahead 3-pointer at naghabol ang Boston Celtics upang igupo ang Philadelphia 84-80 nitong Miyerkules ng gabi upang ipalasap sa 76ers ang kanilang ika-16th sunod na pagkatalo sa season para sa record-tying 26th sunod na kabiguan overall.
Pinantayan ng Philadelphia ang record sa major U.S. professional ng Tampa Bay Buccaneers sa NFL noong 1976-77 katulad ng 76ers noong 2013-14. Da-lawang talo na lamang ang kanilang layo sa record ng dating New Jersey Nets’ na may NBA-worst mark na 18 talo para simulan ang season.
Nagdagdag si Evan Turner ng 16 points para sa Boston na naghabol ng 5-puntos sa loob lamang ng natitirang 3-minuto.
Umiskor ang 76ers ng tatlong puntos lamang sa huling 6:13 minuto ng laro.
Pinangunahan ni Jahill Okafor ang 76ers sa kanyang 19 points at may nine rebounds habang si Hollis Thompson ay may 15 points.
Sa Toronto, umiskor si Kyle Lowry ng 27 points, nagdagdag si DeMar DeRozan ng 20 at tinalo ng Raptors ang Cleveland, 103-99 para sa kanilang ikatlong sunod na panalo.
Tumapos si LeBron James ng 24 points, walong assists at anim na rebounds para sa Cavaliers na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo sa road game. Nagdagdag si Kevin Love ng 21 points at 13 rebounds.
Sa Minneapolis, tumapos si Zach LaVine ng 18 points, anim na assists at limang rebounds bilang kapalit ng may injury na si Ricky Rubio para ma-sweep ng Minnesota ang kanilang season series kontra sa Atlanta matapos ang 99-95.
- Latest