^

PM Sports

George nagbida para sa Pacers

Pang-masa

INDIANAPOLIS – Ipi­nagpatuloy ni Paul George ang kanyang ma­init na pagkamada, ha­bang unti-unti namang natatanggap ni Mon­ta Ellis ang bago ni­yang papel para sa Pa­cers.

Nagtala si George ng 29 points at 8 rebounds para pangunahan ang Indiana Pacers sa 107-103 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang ikaanim na la­ro ni George na umiskor siya ng 25 o higit pang puntos para sa Pa­cers makaraang maba­lian ng binti noong Agos­to ng 2014.

“Since training camp, this is the Paul George I expected to see co­ming back,” sabi ni Pa­cers coach Frank Vogel kay George. “It’s my job to put him in position to have his best season ever and he’s started off (looking) to have that type of year.”

Sa likod ni George ay naipanalo ng Pacers ang anim sa kanilang pitong laro.

Naglista si George ng average na 27.2 points per game at naka­pagposte ng apat na double-doubles.

Ngunit laban sa Timberwolves ay nakakuha siya ng suporta kay Elis.

Papasok sa fourth quar­ter, nanlamig si George sa loob ng 16 mi­nuto kung saan mun­tik nang maisuko ng Pa­cers ang itinayong 27-point lead.

Ang basket ni Ellis ang nagbigay sa Pacers ng 87-60 abante sa hu­ling 4 minuto sa third quarter.

Ngunit nagtuwang si­na Andrew Wiggins at Zach LaVine para sa 40-14 atake ng Timberwolves para makadikit sa 100-101 agwat sa hu­ling 1:18 minuto sa fourth period.

Sa Chicago, tumipa si Jimmy Butler ng 27 points, habang humakot si Gasol ng 19 points at 13 rebounds para ihatid ang Chicago Bulls sa 102-97 panalo laban sa Charlotte Hornets.

Nakabangon ang Bulls mula sa 25-point loss sa Hornets noong Nov. 3.

Gumawa si Nicolas Ba­tum ng 12 sa kanyang 28 points sa third quarter para sa Charlotte at nag-ambag si Kem­ba Walker ng 16 points at 9 rebounds.

ACIRC

ANDREW WIGGINS

ANG

CHARLOTTE HORNETS

CHICAGO BULLS

ELLIS

FRANK VOGEL

GEORGE

INDIANA PACERS

JIMMY BUTLER

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with