Golden State malinis sa 9-sunod na panalo
MEMPHIS, Tennessee – Huling nagposte ng 9-0 panimula ang Golden State Warriors noong 1960-61 season.
At muli nila itong nagawa kahapon.
“It’s great, because it means you’re winning, which is the most important thing,” sabi ni forward Draymond Green.
Tumapos si Stephen Curry na may 28 points kasunod ang 20 ni Andre Iguodala para igiya ang nagdedepensang Warriors sa 100-84 panalo kontra sa Memphis Grizzlies.
Nag-ambag naman si Harrison Barnes ng 19 points para sa pang-siyam na sunod na panalo ng Golden State.
Tumipa si Curry ng 9-of-21 fieldgoal shooting, ngunit tatlong tres lamang ang pumasok sa kanyang 10 pagtatangka.
Sa kabuuan ay nagtala ang Warriors ng 41 percent (11-of-27) mula sa 3-point range.
“We’ve got different guys every night to step up,” ani Warriors guard Klay Thompson, may 8 points. “It’s not only Steph. But tonight it was Andre and Harrison. Tomorrow night, it could be someone else.”
Ito naman ang ikaapat na dikit na kabiguan ng Grizz-lies, nakahugot kay Marc Gasol ng 26 points, habang may 19 si Zach Randolph at 15 si Tony Allen.
Inilista ng Warriors ang 15-point lead sa first half bago nakadikit ang Grizzlies sa 56-57 agwat sa third period.
Nagsalpak si Curry ng isang 40-footer bago matapos ang third quarter para sa muling paglayo ng Golden State, 74-63.
“I thought we played really, really hard,” sabi ni Memphis coach Dave Joerger. “I thought we battled. I thought we believed we could win.”
- Latest