^

PM Sports

PLDT Home Ultera inangkin ang ika-2 puwesto sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inangkin na ng PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters ang ikalawang puwesto sa semifinals sa pamamagitan ng 25-20, 20-25, 25-13, 25-13 panalo sa Navy Lady Sailors sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Apat na manlalaro ang naghatid ng doble-digits para sa balanseng pag-atake upang mailista ng Open Conference champion ang ikatlong panalo sa  apat na laro at samahan ang walang talong Army Lady Troopers sa susunod na round sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Aiza Pontillas ay gumawa ng 13 kills at tig-isang block at serve para sa 15 puntos na siya ring marka ni Janine Marciano habang sina Rysabelle Devanadera at Gretchel Soltones ay mayroong 13 at 10 puntos.

Sa lalim ng bench ni coach Roger Gorayeb ay maging si Ella De Jesus ay nakagawa pa ng tatlong puntos na kinatampukan ng service ace at kill na siyang tumapos sa larong tumagal ng isang oras at 30 minuto.

“Ibinalik lamang namin ang aming communication sa loob ng court, kung saan namin ilalagay ang bola kaya nakabalik agad kami sa pagkatalo sa second set,” wika ni Pontillas.

Sina Pau Soriano at Lilet Mabbayad ay mayroong 17 at 12 puntos para sa Lady Sailors na tinapos ang aksyon sa elimination round bitbit ang 2-3 karta.

Nanatiling nasa ikaapat na puwesto ang koponan pero hindi pa sila nakakasiguro ng puwesto sa semifinals dahil puwede pang tumabla sa kanila ang Coast Guard Lady Dolphins (1-3) at Kia Forte (0-3). (AT)

vuukle comment

ANG

ARMY LADY TROOPERS

COAST GUARD LADY DOLPHINS

ELLA DE JESUS

GRETCHEL SOLTONES

HOME ULTERA

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

JANINE MARCIANO

KIA FORTE

LADY SAILORS

LILET MABBAYAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with