^

PM Sports

Nietes magreretiro sa tamang panahon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala pa sa isip ni WBO light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes ang pagreretiro. Sa edad niyang 33-anyos tampok ang 13 taon niyang boxing career ay sinabi ni Nietes na parang 18-anyos lamang siya.

Walang age limit na inilalagay si Nietes, ang pinakamatagal na Filipino world boxing champion sa loob ng walong taon, tungkol sa kanyang ring career.

“Nasa katawan ko na ‘yon, pero ngayon okay naman ang kondisyon ko,” wika ni Nietes.  “Excited na akong lumaban sa US sa unang pagkakataon.”

“Mahalagang maging impresibo ang panalo ko dahil sa US market.  Iyon ang motivation ko. Alam kong may mga malalaki pang laban na naghihintay sa akin.”

Gagawin ni Nietes ang kanyang US debut laban kay Mexican challenger Juan Alejo sa Sub Hub Center sa Carson City, California sa Oct. 17.

Ito ang main event ng “Pinoy Pride 33----Filipinos Contra Latinos” na unang US venture ng ALA Promotions katuwang ang ABS-CBN.

Tatlong beses lumaban si Nietes sa Mexico at sa Indonesia. Ang kanyang huling 10 laban ay ginawa sa Pilipinas.

“Hindi na mahalaga kung saan ako lalaban,” sabi ni Nietes. “Inalis ko na ‘yan sa isip ko. Basta ang gusto ko lang gawin ay manalo. Isang mabigat na counterpuncher si Alejo. Palagi siyang nasa harapan mo at iyon ang gusto ko sa kalaban.  Mabilis siya at malakas at naaalala ko sa kanya ang dalawang Mexican fighters na nilabanan ko, sina Mario Rodriguez at Moises Fuentes.”

Kaagad magtutungo si Nietes sa US sa sandaling mabigyan siya ng visa ng US Embassy at magsasanay sa Wild Card Gym sa Los Angeles.

“Excited na akong maka-spar si Brian (Viloria) na lalabanan si (WBC flyweight champion Roman) Chocolatito (Gonzalez) sa New York kasabay ng laban ko kay Alejo,” ani Nietes.

 Sa Wild Card Gym ay makakatuwang ni Nietes sa paghahanda ang kanyang trainer na si Edmund Villamor at inaasahang makakakuha ng tips kay Freddie Roach. Sinabi pa ni Nietes na gusto niyang pag-isahin ang 108-pound championship.

Hawak niya sa kasalukuyan ang WBO version, habang si Mexican Pedro Guevara ang WBC cham-pion, si Japanese Ryoichi Taguchi ang WBA titleholder at si Mexican Javier Mendoza ang IBF king.

ACIRC

ALEJO

ANG

CARSON CITY

EDMUND VILLAMOR

FILIPINOS CONTRA LATINOS

FREDDIE ROACH

JAPANESE RYOICHI TAGUCHI

JUAN ALEJO

LOS ANGELES

NIETES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with