^

PM Sports

Jordan iniwan ang agent dahil sa pagtutulak sa kanya sa Mavs

Pang-masa

LOS ANGELES -- Nang hindi panindigan ni free-agent center DeAndre Jordan ang isang verbal agreement para mag­laro sa Dallas Mave­ricks  ay naisip ng mga analysts at obser­vers kung ano ang nag­pa­bago sa kanyang isipan para bumalik sa Los Angeles Clippers.

Isa sa mga sinasabing dahilan ay ang kanyang agent na si Dan Fegan, m­atagal nang kakilala si Mavericks’ team owner Mark Cuban.

Kamakailan ay sinabi ni Jordan kina Fegan at Jarinn Akana ng Relativity Sports na mag-iiba na siya ng direksyong ta­tahakin.

Kahit na aalis na si­ya sa Relativity Sports ay kailangan pa rin ni Jor­dan na bayaran ang agency ng 4 porsiyento sa kanyang nilagdaang four-year, $88 million con­tract sa Clippers.

Tatlong agents na nga­yon ang iniwan ni Jor­dan sa pitong season.

Ito ay si Joel Bell, ang Wasserman Media Group at ang Relativity Sports.

Umalis na rin ang Clip­­pers teammate ni Jor­­dan na si Austin Ri­vers sa Relativity para lu­mipat sa ASM Sports.

Sa mga report na lu­mabas matapos bumalik si Jordan sa Clippers, si­nasabing tila itinulak si­ya ni Fegan sa Mave­ricks dahil sa re­lasyon ni­to kay Cuban.

Hindi ipinaalam ni Jor­dan kay Fegan ang kan­yang desisyong ibasura ang nauna nilang ka­sunduan ng Mave­ricks para muling mag­laro sa Clippers.

Samantala, pinapirma ng Clippers si free agent veteran Chuck Hayes.

Nagtala ang center-power forward ng mga averages na 1.7 points at 1.8 rebounds sa 29 games para sa Toronto sa nakaraang season.

Naglaro rin ang 10-year NBA veteran para sa Houston Rockets at Sac­ramento Kings.

Ang kanyang mga ca­reer averages ay 3.7 points, 5.0 rebounds at 1.2 assists.

Ang 32-anyos na si Hayes ay isang undraf­ted  player noong 2005 at produkto ng Ken­tuc­ky University.

ACIRC

ANG

AUSTIN RI

CHUCK HAYES

DALLAS MAVE

DAN FEGAN

FEGAN

HOUSTON ROCKETS

JOR

RELATIVITY SPORTS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with