Boxing at powerlifting sa PSA Forum ngayon
MANILA, Philippines - Ilalahad ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) executive director Ed Picson ang pag-lahok ng national team to the ASBC Asian Confederation Boxing Championships sa kanyang pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.
Ang nasabing torneo na nakatakda sa Aug. 26-Sept. 5 sa Bangkok, Thailand ay magsisilbing qualifier para sa AIBA World Boxing Championships sa Doha, Qatar sa Oktubre.
Makakasama ni Picson bilang pa-nauhin sa sesyon na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corp. ang Philippine Powerlifting team at si lady bodybuilder Gemmalyn Crosby.
Si powerlifting association president Eddie Torres ay sasamahan nina coaches Aspi Calagopi at Cirilo Dayao at nina players Jasmine Martine, Jeremy Bautista at Joan Masangkay para talakayin ang pagsali nila sa 15th Sub-Junior at 33rd Junior World Powerlifting Championship sa Prague, Czech Republic.
Si Crosby ay magpo-promote ng 2015 edition ng Gemmalyn Crosby Sports Festival na gagawin sa Mall of Asia Arena.
- Latest