^

PM Sports

7th season ng ISAA nakatakda sa Agosto 19

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi man sila kahanay ng dalawang malalaking collegiate leagues na NCAA at UAAP ay kumbinsido naman ang pamunuan ng  Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) na gumagawa na ng sariling marka ang nasabing liga.

Sa pagdalo ng mga opisyales kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate, sinabi ni ISAA president Melanie Florentino ng Feati na napapansin na rin ang liga dahil may mga manlalaro na rin sila na kinukuha ng mga koponan sa commercial leagues tulad ng PBA D-League.

Ilang koponan din ang pinupuntahan ng mga taga-probinsya para rito ipakita ang galing sa paglalaro kasabay ng makukuhang magandang edukasyon sa kanilang mga paaralan.

“We are now on our seventh year and I can say that we have survived the challenge,” wika ni Florentino. “It’s not easy to manage a league but we have  achieved our goal to have a strong sports program, promote sports­man­ship and camaraderie.”

Sa Agosto 19 ay magbubukas ang ika-pitong taon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City at ang  pitong regular teams ay sasamahan ng isang guest team para magtagisan sa titulo sa bas­ketball.

Mangunguna rito ang Philippine Merchant Ma­rine School (PMMS) na siyang nagdedepensang kampeon, habang ang ibang datihan ay ang Feati, St. Dominic College of Asia, Manila Taitana College, Manila Adventist College, Phi­lip­pine Women’s Uni­ver­sity at La Consolacion Manila.

Ang PATTS ang guest team na isang  champion team sa ibang naunang liga na sinalihan.

Bukod sa basketball ay magdaraos din ng laro sa swimming, bad­min­ton, table tennis at volleyball. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

CUNETA ASTRODOME

FEATI

INTER-SCHOLASTIC ATHLETIC ASSOCIATION

LA CONSOLACION MANILA

MANILA ADVENTIST COLLEGE

MANILA TAITANA COLLEGE

MELANIE FLORENTINO

PASAY CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with