^

PM Sports

Puwestuhan na sa Spikers’ Turf

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Puwestuhan sa itaas at ibaba ng standings ang mangyayari sa pagpapatuloy ng Spikers’ Turf Collegiate Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Upuan sa quarterfinals sa Group B ang paglalabanan ng magkapatid na paaralan na La Salle Green Archers at St. Benilde Bla-zers sa unang laro sa ganap na alauna ng hapon habang ang nangunguna sa Group A na Emilio Aguinaldo College Generals ay aasin-ta ng ikaapat na sunod na panalo kontra sa palabang NCBA Wildcats dakong alas-3 ng hapon.

Ang huling laro dakong alas-5 ng hapon ay sa hanay ng Mapua Cardinals at UE Red Warriors at ang mananalo ay may tsansa pang umabante sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Parehong wala pang panalo ang Cardinals at Warriors matapos ang tatlong laro kaya ang mata-talo ay mamemeligro na mamaalam sa liga.

Magkasalo sa unahan ang  Generals at National University Bulldogs bitbit ang 3-0 karta at bagama’t pasok na sa quarterfinals ay tiyak na pupukpok pa ang EAC dahil carry-over ang mga records sa pagpasok ng ikalawang yugto ng kompetisyon.

Ang Wildcats na nakitang natapos ang dalawang dikit na panalo sa kamay ng  NU sa huling asignatura ay pursigido ring magwagi para maging ikatlong koponan sa Group A na magpapatuloy ang kampanya para sa titulo.

Magkasalo ang La Salle at St. Benilde sa UP sa 2-1 baraha upang matiyak na magiging mainitan ang tagisang ito.

Matapos matalo sa karibal na Ateneo, kumuha ang Archers ng magkasunod na panalo sa Arellano Chiefs at La Salle Dasma Patriots.

vuukle comment

ANG

ANG WILDCATS

ARELLANO CHIEFS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GROUP A

GROUP B

HOME ULTERA

LA SALLE

LA SALLE DASMA PATRIOTS

LA SALLE GREEN ARCHERS

MAGKASALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with