^

PM Sports

Stuart may patutunayan sa National Athletics Open

Pang-masa

STA. CRUZ, Laguna, Philippines – May patutunayan ang Fil-Am na si Caleb Stuart  sa 2015 Philippine National Open-Invitational Athletics Championships na magbubukas ngayon sa San Luis Sports Complex dito.

Matapos higitan ang Southeast Asian Games at national hammer throw records, may pagkakataong ipakita ang galing ng 6’2, 250-pound na si Stuart, dating University of California-Riverside standout na ang inang si Rowena Pineda-Stuart ay tubong Pampanga.

Noong nakaraang Linggo sa LA, nagtala si Stuart ng 68.66 meters hindi lamang para higitan ang kanyang personal best na 67.24 kungdi higitan din ang SEAG mark na 62.23 ni Thailander Tantiphong Petchaiya at ang national record na 61.69 ni Arniel Ferrera.

Ang  personal best ni Stuart sa shot put na 17.88m ay mas mataas din sa kasalukuyang SEAG record na 17.64m ni Thailander Thawin Khachin at national mark na 16.74m ni Eleazer Sunang.

Ipapakita ni Stuart ang kanyang lakas sa four-day meet  na magtataya ng 17 golds sa unang araw ng kompetisyon na sisimulan ng women’s 10,000-meter run  ngayong  alas-6:00 ng umaga.

“Aside from Caleb (Stuart) and the current member of the national team, we’re hoping to discover some new talents in this event,” sabi ni track and field chief Philip Ella Juico.

ARNIEL FERRERA

CALEB STUART

ELEAZER SUNANG

PHILIP ELLA JUICO

PHILIPPINE NATIONAL OPEN-INVITATIONAL ATHLETICS CHAMPIONSHIPS

ROWENA PINEDA-STUART

SAN LUIS SPORTS COMPLEX

SOUTHEAST ASIAN GAMES

STUART

THAILANDER TANTIPHONG PETCHAIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with