^

PM Sports

Wiggins nagbida sa panalo ng World laban sa U.S. team sa All-Star Weekend

Pang-masa

NEW YORK – Tumipa si Andrew Wiggins ng 22 points, habang nagdagdag si Rudy Go­bert ng 18 points, 12 rebounds at 3 blocked shots para banderahan ang World team laban sa U.S., 121-112, sa Ri­sing Stars Challenge  ng NBA All-Star Weekend.

Hinirang si Wiggins, ang No. 1 pick mula sa Canada na kinuha ng Minnesota Timberwolves, bilang Most Va­luable Player ng laro.

Nag-ambag si­­na Bojan Bogdano­vic (Brooklyn Nets) ng Croa­tia, nag­laro sa kan­yang home court, at Nikola Mi­rotic (Chicago Bulls) ng Montenegro ng tig-16 points para sa World.

Sina Victor Oladipo ng Orlando Magic at Zach LaVine ng Timberwolves ay kumamada na­man ng tig-22 points sa panig ng U.S. team sa laro sa pagitan ng mga rookies at second-year players.

Ito ay ang bagong for­mat para sa ope­ning game ng All-Star Weekend na orihinal na ginawa para sa laro ng mga rookies na gina­wang rookies kontra sa second-year players at ngayon ay pinalitan ng world laban sa U.S. pla­yers.

Karamihan sa natu­rang laro ay mga 1-on-1 play at konting depensa.

Ang ilan sa mga slam dunks ay impresibo kung saan ang apat na nag­salpak ay lalaban sa slam dunk contest.

Tumapos si Gorgui Dieng (Timberwolves) ng  Senegal na may 14 points, habang nagta­la si Giannis Anteto­kounmpo (Milwaukee Bucks) ng Greece ng 12 points at 10 rebounds pa­ra sa World.

Nagtala si Trey Burke ng Utah Jazz ng 17 points para sa nabi­gong U.S. team.

ALL-STAR WEEKEND

ANDREW WIGGINS

BOJAN BOGDANO

BROOKLYN NETS

CHICAGO BULLS

GIANNIS ANTETO

GORGUI DIENG

MILWAUKEE BUCKS

MINNESOTA TIMBERWOLVES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with