^

PM Sports

Sa pag-angkin sa titulo ng 6th Le Tour Pagrereserba ng lakas sikreto ni Lebas

Mae Balbuena - Pang-masa

BAGUIO City – Nagbunga ang pagrereserba ng lakas ni Thomas Lebas ng Japan-based Bridgestone Anchor Cycling Team para tanghaling kampeon ng katatapos na 2015 Le Tour de Filipinas na handog ng Air21 katuwang ang MVP Sports Foundation kamakalawa.

Hinahabol lamang ni Lebas sina Stage 1 winner Eric Thomas Sheppard ng Taiwanese continental team na Attaque Team Gusto at ang natanggalan ng koronang si Mark Galedo ng 7-Eleven Roadbike Philippines ng apat na segundo at isang segundo lamang, ayon sa pagkakasunod papasok sa Lingayen-Baguio Stage 4 kung saan su­ma­bay siya sa pag-arangkada ng mga Iranians.

“I just followed them (Sheppard at Galedo) in Stage 2 and 3. I had no plans of attacking because Im only seconds behind,” pahayag ni Lebas na nagre­his­tro ng kabuuang oras na 13 hours, 40 minutes at 49 se­conds matapos ang  apat na araw na 532.5 kilometer race  na su­portado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, No­vo Nor­disk Pharmaceuticals Phils. at Canon at mga road partners na Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX.”

Walang ginawang pagkilos si Lebas sa Stage 2 na pi­nagwagian ng isang diabetic rider na si Scott Ambrose ng Team Novo Nordisk at Stage 3 na pinangunahan naman ni Hariff Salleh ng Malaysian Continental team na Terengganu.

Hindi naman nanghinayang si  Galedo bagama’t na­­kawala sa kanyang kamay ang titulo sa tanging UCI–sanctioned roadrace dito sa Pilipinas na inorga­nisa ng Ube Media Inc. na pinamumunuan ni  Donna Lina-Flavier.

“Ganun talaga. Ginawa naman natin lahat at nag­ka­roon ng koordinasyon,” pahayag  ni Galedo. “Tala­gang ang puntirya ay ang Stage 4. Ito talaga ang pi­naghandaan namin. Sa Stage 2 and 3, pahinga lang ka­mi. Hindi rin naman kumilos ‘yung mga nasa likod na­tin saka ‘yung nanalo. Pinaghandaan din nila talaga itong bundok na ito (Baguio).”

Tinanghal na team champion ang Tabriz Petroche­mical na sinundan nina Bridgestone Anchor at Pishga­man Giant. Si Oleg Zemiakov (Ka-zakhstan National Team) ang tinanghal na Best Young Rider, habang si Ambrose, ang points classification champion at si Hossein Askari Askari (Pishgaman Giant) ang hinirang na King of the Mountain.

ATTAQUE TEAM GUSTO

BEST YOUNG RIDER

BRIDGESTONE ANCHOR

BRIDGESTONE ANCHOR CYCLING TEAM

DONNA LINA-FLAVIER

ELEVEN ROADBIKE PHILIPPINES

GALEDO

LEBAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with