Bread Story-LPU determinado
MANILA, Philippines – Nakita ang matinding determinasyon ng Bread Story-LPU Pirates nang pakawalan nila ang 6-0 endgame run para makumpleto ang 93-90 pana-lo sa Racal Motors Aliba-ba sa pagtatapos kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup elimination sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.
Napag-iwanan ng tatlong puntos (87-90) ang Pirates ng Alibaba sa hu-ling 68 segundo pero si-nandalan nila ang magandang depensa bukod pa sa pagtutulungan nina Wilson Baltazar at Aziz Mbomiko para makatabla ang pahingang Tanduay Light Rhum Masters sa mahalagang ikaanim na puwesto sa 5-6 baraha.
Pero dahil tinalo nila ang Tanduay, 69-64 sa kanilang naunang pagtutuos, ang Pirates ang aabante sa quarterfinals at siyang makakatuos ng third seed at may twice-to-beat advantage na Café France Bakers.
May limang puntos lamang si Baltazar sa laro at ang pinakamalaking buslo ay ang tres sa huling 38 segundo para maitabla ang laro sa 90-all.
Matapos ang sablay na opensa ng Alibaba ay nagpakawala ng 15-footer ang Cameroonian na si Mbomiko para sa go-ahead basket at tiket sa susunod na round.
“Hindi sila sumuko kahit naghabol kami sa larong ito. Magandang accomplishment ito sa bagong team gaya namin,” wika ni Pirates coach Bonnie Tan.
Si Jiovani Jalalon ay mayroong 20 puntos habang double-double na 14 puntos at 15 boards ang ibinigay ng 6’5” center na si Angelo Gabayni.
Winakasan naman ng Cagayan Valley Rising Suns ang impresibong kampanya sa single round elimination bitbit ang 104-66 demolisyon sa Wangs Basketball sa ikalawang laro.
Tumipa ng 23 puntos si Jason Melano habang ang mga guards na sina Fil-Am Abel Galliguez at Don Trollano ay naghatid pa ng 12 at 11 puntos para sa Rising Suns na hindi natalo matapos ang 11 laro.
Pahinga ang koponan katulad ng pumangalawang Hapee (10-1) sa quarterfinals dahil dumiretso na sila sa semis bilang top-2 teams.
Sa Huwebes magsi-simula ang quarterfinals at ang isang hati ng labanan ay sa pagitan ng fourth seed na Jumbo Plastic Giants at Cebuana Lhuillier Gems na kung saan ang Giants ay mangangaila-ngan lamang na manalo sa larong ito para pumasok sa Final Four. (AT)
- Latest