^

PM Sports

Perpetual Jr. Spikers pasok sa finals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagtala ng sweep ang Perpetual Help upang makasulong sa juniors finals habang magkaibang daan naman ang tinahak ng Arellano University at San Sebastian upang maisaayos ang women’s title showdown sa 90th NCAA volleyball tournament na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.

Pinabagsak ng Junior Altas ang Staglets, 25-18, 25-23, 24-26, 25-11 para sumulong sa best-of-three showdown para sa high school crown kontra sa Lyceum Junior Pirates na nanalo via default kontra sa Emilio Aguinaldo Brigadiers para makapasok sa finals.

“Now that we’ve accomplished our initial goal to make the finals, we’re now focused on winning the title,” sabi ni Perpetual coach Sandy Rietana hangad na ihatid ang Las Piñas-based school sa titulo sapul nang manalo ng back-to-back, tatlong season na ang nakakaraan.

Pumasok naman ang San Sebastian sa women’s finals matapos igupo ang Perpetual, 25-22, 25-20, 25-19 habang iginupo ng Arellano ang College of St. Benilde sa 16-25, 22-25, 25-12, 25-12, 12-15 decision.

Nagtapos ang Lady Stags at Lady Chiefs na kasama sa three-way ang Lady Blazers ngunit sila ang lumabas na maghaharap sa finals matapos magtaglay ng  mataas na tiebreak scores.

Magpapahinga muna ang NCAA para sa  Papal visit at gagawin ang Game One sa The Arena sa Jan. 21 habang ang Game Two ay sa Jan. 23.

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO BRIGADIERS

GAME ONE

GAME TWO

JAN

JUNIOR ALTAS

LADY BLAZERS

LADY CHIEFS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with