7-sunod na panalo sa Portland
BOSTON – Nagustuhan ni LaMarcus Aldridge ang ugaling ipinapakita ng Portland Trail Blazers kaugnay sa kanilang winning streak.
Humablot si Aldridge ng 20 points at 14 rebounds, habang nagdag-dag si reserve Chris Kaman ng 16 points upang palawigin ng Trail Blazers ang kanilang pagpapanalo sa pito matapos kunin ang 94-88 tagumpay laban sa Boston Celtics.
“I like it because I don’t want guys getting caught up in the moment of seven in a row,’’ sabi ni Aldridge. “Act like we’ve arrived, still in the moment, still staying hungry.’’
Nag-ambag si Damian Lillard ng 12 points, 9 rebounds at 5 assists para sa Portland, nakahugot rin ng 12 markers kay Nicolas Batum.
Matapos ang dikitang first half ay nag-init ang Trail Blazers sa kaagahan ng fourth quarter.
Umiskor sina Jeff Green at Jared Sullinger ng tig-19 points sa panig ng Boston, natalo sa lima sa kanilang anim na laro.
Nagdagdag sina Avery Bradley at Rajon Rondo ng tig-13 points.
Sa Memphis, kumolekta si Marc Gasol ng 30 points at 12 rebounds para pamunuan ang Memphis Grizzlies sa 107-91 panalo laban sa Los Angeles Clippers.
Ito ang ikalawang sunod na laro na naglista si Gasol ng 30 points.
Ang panalo ang nagbigay sa Memphis ng best record sa liga na 12-2.
- Latest