^

PM Sports

Rizal Sports Complex ibebenta

OLeyba - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa tinatarget na bagong training center sa Clark, tinitingnan ng mga sports officials ang posibilidad ng pagbebenta sa Rizal Memorial Sports Complex para makadagdag sa pondo sa pagpapatayo ng naturang pasilidad sa Pampanga.

Sinabi ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na binisita nila ang prospective site, isang 50-hectare property at sinabing angkop ito para sa dormitories, gymnasium, multi-purpose hall at mga pasilidad sa track and field, football, shooting, archery at iba pa.

Idinagdag pa ni Garcia na nagsimula na ang exploratory talks sa hanay ng PSC, Philippine Olympic Committee at Manila City government, ang nagmamay-ari sa 9-hectare Rizal complex, para sa pagbebenta ng nasabing training center sa Malate, Manila.

“Maganda yung lugar sa Clark, maganda ‘yung terrain, sariwa ang ha-ngin, walang pollution, malayo sa factory, malapit sa ilog. Talagang maganda para sa mga atleta. Sana makuha natin ito,” wika ni Garcia.

Ang susunod nilang gagawin ay ang pagsusukat sa sports facilities kasunod ang paghahanda ng blueprint.

“Apparently, we’re ready for this project. But again the question is of course, firstly, the land. And after that the funding, saan tayo kukuha ng pera for construction?” ani Garcia.

“The main source of funding we see is the sale of Rizal. Sana mabigyan tayo ng pagkakataon na magkaroon  ng pera with the sale of Rizal,” dagdag pa nito.

Ayon sa PSC chair, naging positibo ang preliminary meetings sa pagitan nina POC chief Peping Cojuangco at Manila Mayor Joseph Estrada.

“The feedback from Cong. Peping is maganda ang outcome ng meetings, positive. Excited din si Mayor na maka-tulong sa sports and at the same time, magamit din ang Rizal sa ibang proyekto ng Manila,” sabi ni Garcia.

Sinabi ni Garcia na may mga inte-rested buyers na ang RMSC, kabilang dito ang La Salle.

Nauna nang inihayag ng mga sports officials na hindi na angkop para sa pagsasanay ng mga atleta ang RMSC.

“Maganda nga na may complex sa Manila pero anong kagandahan nito kung taon-taon naman binabaha tayo, araw-araw may pollution?” wika ni Garcia.

Ang PhilSports complex sa Pasig ay pananatilihin ng PSC.

GARCIA

LA SALLE

MAGANDA

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

PEPING COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with