^

PM Sports

Blazers sinolo ang ikaapat na puwesto

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na manlalaro ng St. Benilde ang nakitaan ng magandang numero pa­ra kunin ang 106-97 pa­nalo sa Arellano sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Nagtala ng 27 points, 11 re­bounds at 6 assists si Paolo Taha, habang sina Mark Romero, Jeffrey Ryan Ongteco at Raphael Ro­mero Nayve ay may 23, 19 at 13 puntos para sa pananaig ng Blazers sa Chiefs.

Kapos lamang ang St. Benilde ng isang laro sa nasa pangalawang Arellano at host Jose Rizal University sa 9-4 ba­raha para humigpit ang karera sa unang dalawang puwesto sa Final Four.

Si Dioncee Holts ay may 31 points para sa Chiefs na hindi nagamit ang serbisyo ng mahusay na point guard na si Jio­vani Jalalon.

Dominado ng tropa ni coach Jerry Codiñera ang first half at lumamang sila ng hanggang 17 puntos sa first period bago nakuntento sa 28-20 patungo sa 49-44 abante.

Pero nag-init ang Bla­zers sa ikatlong yugto at gumawa ng 27 puntos para magkatabla sa 71-71 ngunit kumulapso sa fourth quarter.

ST. BENILDE 106 -- Ta­ha 27, Romero 23, Ongteco 19, Nayve 13, Grey 8, Bartolo 6, Sinco 5, Jonson 3, Pa­jarillaga 2, Saavedra 0.

Arellano 97 -- Holts 31, Ni­cholls 23, Agovida 14, Her­nandez 10, Pinto 9, Ci­riacruz 6, Gumaru 2, Enri­quez 2, Salcedo 0, Caperal 0, Ortega 0, Cadavis 0.

Quarterscores: 20-28, 44-49, 71-71, 106-97.

ARELLANO

FINAL FOUR

JEFFREY RYAN ONGTECO

JERRY CODI

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MARK ROMERO

NAYVE

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with