Bakit kulang sa big man ang PBA draft?
MANILA, Philippines - Ang kakulangan ng quality big men sa nakaraang PBA Rookie Draft ay puwedeng epekto ng pagdami ng malalaking foreign players sa UAAP at sa NCAA.
Naging top picks ang mga backcourt talents sa pangunguna nina Stanley Pringle at Kevin Alas, sa draft dahil wala ang mga tulad nina June Mar Fajardo at Greg Slaughter o maging nina Rabeh Al-Hussaini, Ian Sangalang at Raymond Almazan.
Bagama’t nanganga-ilangan ng post players, nakuntento ang Globalport, Rain or Shine, NLEX at Alaska Milk sa pagkuha ng backcourt talents sa kawalan ng dominanteng big man sa draft pool.
“I agree (the continued influx of foreign players in the collegiate ranks) is stunting the growth of our big men,” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao. “It has a big impact on the overall picture of basketball in the country.”
“How can the collegiate ranks produce frontline talents when the list of schools bringing in foreign recruits is getting bigger and bigger,” sabi pa ng isang collegiate coach na ayaw magpakilala. “Foreign big men compete with one another, displa-cing the homegrown.”
Pero may mga nakuha namang tulad nina John Brondial ng Adamson, Jake Pascual ng San Beda na nakuha bilang No. 6 at No. 8 sa draft noong Linggo.
Tradisyunal nang mga big men ang nangunguna sa draft.
Sa nakaraang 10 taon, isang center o isang forward ang laging hinihirang na top draft pick maliban kina Gabe Norwood noong 2008, JV Casio noong 2011 at Pringle ngayong taon. (NB)
- Latest