^

PM Sports

Sta. Maria nagtala ng bagong record; San Beda patuloy ang pamamayagpag

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagposte ng mga ba­gong record si La Salle-Greenhills tanker Rafael Sta. Maria at patuloy naman sa pagratsada ang San Beda sa Day 2 ng 90th NCAA swimming com­pe­tition kahapon sa Rizal Me­morial Pool.

Binasag ni Sta. Maria ang mga league marks sa 50-meter at 200-m freestyle at sa 50-m butterfly at pinangunahan ang 400-m freestyle relay team ka­sama sina Andrae Pogiongko, Miguel Barlisan at Mark Ropmiquit para sa isa na namang record-brea­king feat.

Ngunit ang three-day race, inorganisa ni Peter Cay­co ng Arellano Uni­ver­sity, ay patuloy na di­no­domina ng San Beda na namumuno sa juniors, men’s at women’s divisions.

Pinangunahan ni Wilfredo Sunglao, Jr. ang arangkada ng Sea Lion sa men’s side sa kanyang pagsira sa record sa 200-m free matapos magtala ng isang minuto at 59.85 segundo na bumasag sa 2:00.70 na kanyang inilista sa morning heats.

Sinira naman ni Frances May Cabrera ng San Beda ang marka sa wo­men’s 200-m freestyle mark sa kanyang bagong oras na 2:18.59 para ta­bunan ang dati niyang 2:19.24 noong 2013.

Bumabandera ang San Beda sa men’s division sa kanilang 452 points kasu­nod ang College of St. Be­nilde (176).

Ang women’s team ng San Beda ay nagposte ng 407 points para manguna kasunod ang St. Benilde (229).

Ang juniors crown ay inaasahang pag-aagawan ng San Beda (333) at La Salle-Greenhills (294).

Hangad ng San Beda ang kanilang ika-13 sunod na men’s championship at pang-17 sa kabu­uan, habang target ng La Salle-Greenhills ang ka­ni­lang ika-11 dikit na high school title at pang-17 sa kabuuan.

ANDRAE POGIONGKO

ARELLANO UNI

BEDA

COLLEGE OF ST. BE

FRANCES MAY CABRERA

LA SALLE-GREENHILLS

MARK ROPMIQUIT

SAN BEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with