^

PM Sports

Liderato asam ng Bulldogs

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lalagyan ng National University ng distansya ang sarili sa Ateneo at iba pang koponan  sa pagsa­gupa sa wala pang pana­long Adamson sa 77th UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tampok na laro ito at magsisimula matapos ang pagkikita ng FEU at host UE sa alas-2 ng hapon.

Ang Blue Eagles at Bulldogs ay magkasalo sa unang puwesto sa 3-1 karta pero nakadikit ang Warriors, Tamaraws at UST Ti­gers sa  ikalawang puwesto bitbit ang magka­ka­tulad na 2-1 ba­raha.

Bumangon ang FEU mula sa pagkatalo sa UST nang durugin ang UP Maroons, 85-71, noong Linggo na kinakitaan din ng paglasap ng UE ng unang pagkatalo sa nagdedepensang La Salle, 58-60.

Si Mike Tolomia na su­­mablay lamang ng isang beses sa walong attempts tungo sa 18 pun­tos, ang dapat na kumi­nang pero malaking papel ang ga­gam­panan nina Mark Belo at Bryan Cruz da­­hil sila ang ipantatapat sa mga foreign pla­yers ng Red Warriors na sina Charles Mammie at Mous­­tapha Ara­f­at.

Bukod sa dalawang ito ay dapat ding bantayan si Roi Sumang bukod pa sa posibilidad ng pagputok ni Dan Alberto na nalimitahan sa season-low na 4 points  ng La Salle.

Aasahan naman ng Bulldogs ang solidong team­work na naghatid ng tatlong panalo sa naunang apat na laro.

Sa ginawang pagpa­pa­amo sa Ateneo sa hu­ling laro, 64-60, si Jeth Rosario ay may 18 puntos, sina Alfred Aroga at Glenn Khobuntin ay nagsa­nib sa 27 rebounds at sina Jess Diputado at Ni­co Javelosa ay nagsama sa 16 puntos at nagsalitan sa pagdepensa kay Kiefer Ravena na may 3-of-20 fieldgoal shooting.

ALFRED AROGA

ANG BLUE EAGLES

ATENEO

BRYAN CRUZ

CHARLES MAMMIE

DAN ALBERTO

GLENN KHOBUNTIN

LA SALLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with