Sa Senegal nakatutok ang Gilas
MANILA, Philippines - Para sa FIBA World Cup, sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na magpo-focus sila sa Senegal, ang African team na siyang sinasabing may tsansang talunin ng national squad.
Sinabi ni Reyes na hindi siya kukulangin sa coaching report at impormasyon ukol sa Senegal dahil nagpatulong siya sa isang coach na maraming alam ukol sa African basketball.
“I’ve asked a coach coaching in Africa to come over and help us. I make sure I have ample European, South American and African help in the competition,” sabi ni Reyes.
Marami ring alam si Reyes ukol sa Senegal team dahil binantayan niya ang kanilang mga laro sa FIBA Afro world qualifying tourney sa Cote d’Ivoire.
“I have their 22-man pool, very deep lineup. All their NBA players are there,” sabi ni Reyes. “They will be in Spain in August, the same time we’re there. We’re going to take a hard look at them.”
Ang mga World po-wers na Argentina, Greece, Croatia at Puerto Rico ang iba pang teams sa Group B na kasama ng Philippines at Senegal.
Kailangang talunin ng Gilas Pilipinas ang Sene-gal at masilat ang isa sa apat na malalakas na ka-grupong bansa para magkaroon ng tsansang makapasok sa knockout stage.
Madaling sabihin pero mahirap gawin.
“We have two chan-ces: slim and none,” ang laging sinasabi ni Reyes.
Ngunit ipinangako niyang ihahanda niyang maigi ang koponan para sa FIBA World Cham-pionship na nakatakda sa Aug. 30-Sept. 14 sa Spain.
- Latest