^

PM Sports

JRU palalakasin ng Ghana player

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagpasok ng Ghana player na si Razak Abdulwahab ang nagpapatatag sa hangarin ng host Jose Rizal University na makakabalik sila sa Final Four sa Season 90 ng NCAA men’s basketball na magsisimula sa Hunyo 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May taas na 6’7” si Abdulwahab at nakita na makakatulong ito sa shaded area nang ihatid ang Heavy Bombers sa semifinals ng Filoil Flying V Premier Cup noong nakaraang buwan.

Nasa koponan pa rin ni coach Vergel Meneses ang shooter na si Philip Paniamogan at sentro na si Michael Mabulac. Makakalaro na rin si Jaycee John Asuncion na da-ting reserve guard sa Perpetual Help Altas.

Ang nais lamang ni Meneses ay makakuha ng magandang laro sa bench para mabigyan ng ning-ning ang kampanya ng host school.

“Hindi kakayanin ng mga starters ko na sila lang ang aasahan kaya kailangan na may gumawa rin sa bench,” wika ni Meneses na huling naihatid ang Heavy Bombers sa NCAA Final Four noon pang Season 87.

Isa pang hindi puwedeng biruin sa taong ito ay ang Perpetual Help ni coach Aric del Rosario.

Wala na sa koponan ang Nigerian center na si Nosa Omorogbe na tinulungan ang koponan na makapasok sa semifinals sa nakaraang dalawang taon pero handa ang mga locals na patuna-yan na kaya nilang ihatid sa tagumpay ang Altas.

Si Juneric Baloria ang babanat uli pero makakasama pa niya ang mga beteranong sina Justin Alano, Harold Arboleda, Earl Thompson at Joel Jolangcob. (AT)

EARL THOMPSON

FILOIL FLYING V PREMIER CUP

FINAL FOUR

HAROLD ARBOLEDA

HEAVY BOMBERS

JAYCEE JOHN ASUNCION

JOEL JOLANGCOB

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUSTIN ALANO

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with