Sonsona babawi kay Vasquez
MANILA, Philippines - Pagkakataon ngayon ni Marvin “Marvelous†SonÂsona na maiÂbaÂngon ang kanyang karangalan sa muling pagharap kay Wilfredo Vasquez Jr. ng Puerto Rico sa Madison Square Garden sa New York City.
Inilagay ang nasabing rematch nina Sonsona at Vasquez sa 10 rounds at ang mananalo ang siyang mag-uuwi sa bakanteng North America BoÂxing FeÂderation (NABF) feaÂtherweight belt.
Higit sa titulo, ang maiÂbaon sa limot ang tiÂnamong fourth round knockout na pagkatalo kay Vasquez sa kanilang unang pagtutuos noong PebÂrero 27, 2010 ang siyang nasa isipan ni SonÂsoÂna.
“It’s my time now,†wiÂka ni Sonsona matapos tumimbang ng 125.8 pounds sa weigh-in kahaÂpon.
Bukod sa masinsinang pagsasanay ay sinasandalan din ng 23-anyos na tubong General Santos City boxer ang angking height advantage laban sa katunggali.
Si Vasquez na tumimÂbang kapareho kay Sonsona ay naghayag ng pagÂnanais na patulugin muli ang karibal upang alisin ang pagdududa sa kanyang kakayahan.
Marami ang nagsasaÂbing lipas na ang galing ng dating WBO super banÂtamweight champion matapos magtala ng tatlong panalo at tatlong talo sa huling anim na laban.
May 23 panalo sa 27 laban si Vasquez, habang si Sonsona na dating kamÂpeon ngWBO super flyweight ay may 18-1-1 baraha.
Si Harvey Dock ang reÂfeÂree at ang mga huraÂdo ay sina Julie Lederman, MiÂchael Pernick at John PoÂturaj.
- Latest