Centeno sa national pool?
MANILA, Philippines - Magkaibang kapalaran ang naghihintay sa dalawang Zamboanga City athletes na naglaro sa Philippine National Games.
Ang 14-anyos na si Cheska Centeno na tinalo ang world champion sa 10-ball na si Rubilen Amit sa kanyang paboritong laro, 9-8, ay posibleng masama sa national pool na susuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC), ang nag-organisa ng PNG.
Kasama ng kanyang mga magulang, kinausap nila si PSC chairman Ricardo Garcia upang ipaalam ang pagnanais na masama sa pool kung mabibigyan ng pagkakataon.
“I told her that I will talk to the leaders of BSCP if she can be accomodated. Wala naman akong nakikitang dahilan kung bakit hindi siya kukunin sa pool dahil naipakita naman niya na magaling siya,†wika ni Garcia.
Sumali rin si Centeno sa 9-ball at nakakuha siya ng bronze medal.
Kung si Centeno ay papasok sa pool, alanganin naman si weightlifter Hidilyn Diaz na tubong Zam-boanga rin at isang two-time Olympian na sumama pa sa Incheon Asian Games sa Setyembre.
Nanalo si Diaz ng ginto sa women’s 58kgs sa PNG sa naitalang 95kg sa snatch at 120kg sa clean and jerk tungo sa kabuuang 215kg total lift pero mababa ito sa naitala niya sa 2013 SEA Games na 102kg at 122kg tungo sa 224kg para sa pilak na medalya.
“Kakausapin ko siya at titignan natin kung ano ang kanyang problema kasi sayang ‘yung bata,†pahayag ni Garcia sa 23-anyos na si Diaz na naunang inireklamo ang paninira umano sa kanya na siyang dahilan para tabangan na siya sa pagla-laro.
- Latest