Air Asia Spikers gustong maka-2
MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na panalo ang target ngayon ng Air Asia Flying Spi-kers sa pagbangga sa matikas na Cignal HD Spikers sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine SuperLiga sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
Ang laro ay magsisimula matapos ang paghaharap ng PLDT My DSL Lady Speed Boosters at Petron Lady Blaze Spikers sa ganap na ika-2 ng hapon.
Kasasabikan sa unang labanan ang paglalaro ng dating kamador ng National University na si 6’2†Dindin Santiago.
Si Santiago ang kinuha bilang number one pick sa kauna-unahang rookie draft pick sa ligang inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL kaya’t mataas ang ekspektasyon sa Petron.
Ang Flying Spikers ay galing sa 25-14, 25-19, 27-25, panalo sa Cagayan Valley Lady Rising Suns sa pagbubukas ng liga noong Biyernes para pa-ngunahan ang women’s division sa ligang may suporta pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.
Ang tibay ng koponang pag-aari ni sports patron Mikee Romero at hawak ni coach Ramil de Jesus ay masusukat sa HD Spikers na siyang nalagay sa pangalawang puwesto sa unang dalawang conferences ng PSL.
Sasandal si Cignal coach Sammy Acaylar. sa mga subok ng manla-laro sa pangunguna nina Michelle Datuin, Honey Royse Tubino at liberong Jeck Dionela para tapatan ang agresibong paglalaro ng Flying Spikers. (AT)
- Latest