^

PM Sports

Vetyeka desididong pabagsakin si Donaire

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago ang kanyang panalo kay WBA featherweight champion Chris John noong nakaraang taon na nagpasikat sa kanya, walang masyadong nakaka-kilala kay Simpiwe Vetyeka.

Nangako si Vetyeka na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-akyat sa rurok ng tagumpay sa pamamagitan ng panalo kay Nonito Donaire.

Sa ulat ng South African news website na BDlive.co.za, sinabi ni Vetyeka (may 26-2 win-draw record  kabilang ang 16 knockouts) na nasa kondisyon na siya, dalawang linggo bago ang kanyang laban kontra kay Donaire sa May 31 sa Macau.

Nangako ang South African na hindi niya sasa-yangin ang pagkakataon para pabagsakin si Donaire.

“My victory against John opened doors for me. Now I must just stamp my authority,” ani Vetyeka.

Tangka naman ni Donaire ang ikalimang world title matapos maghari sa flyweight, super flyweight, bantamweight at super bantamweight.

Asam niyang agawin ang  WBA featherweight belt ni Vetyeka.

“Look, I have been hard in the gym with [strength trainer] Mike for six weeks now [McLoughlin]. His training is very tough. I have no choice but to push myself because I know what it does to an athlete,” paliwanag ni Vetyeka.

“We train hard every morning for 90 minutes. Already I feel on top of my game,” dagdag ng reigning champion, na iniulat na dumaan sa 200 rounds ng sparring sa anim na linggo training camp.

Maghaharap sina Donaire at Vetyeka sa Cotai Arena ng Venetian Resort sa Macau.

ALREADY I

CHRIS JOHN

COTAI ARENA

DONAIRE

MACAU

NANGAKO

NONITO DONAIRE

NOW I

SOUTH AFRICAN

VETYEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with