^

PM Sports

Bagama’t nalusutan ng Laotian climber sa stage 4 sa Bayombong to Baguio City Galedo inangkin ang 2014 Le Tour title

Mae Balbuena - Pang-masa

BAGUIO City , Philippines   â€“ Nakawala man ang Stage 4 kay Mark Galedo ng Team 7-Eleven ay nakuha naman ni­ya ang gereral individual championship sa pagtatapos ng 4-day Le Tour de Filipinas dito sa Burnham Park.

Nalusutan si Galedo ni Ariya Phounsavath ng CNN Cycling team sa akyating 134-km Stage 4 Bayom­bong to Baguio City na nauna ng 1.14 minutong nakatawid ng finish line sa apat na oras at 32.42 minuto.

Ngunit ang runner-up finish ni Galedo ay sapat na para makopo niya ang overall title sa kanyang kabu­u­ang oras na 17:12 05 na umagaw ng yellow jersey kay Australian Eric Timothy Sheppard ng Continental team na TSI na nilamangan niya ng 1:03 minuto.

“Medyo nagkaroon ng pain ang legs ko sa last 15 ki­lometers. Pinilit ko na lang na ituloy ‘yung pacing na ka­ya ko. Hinayaan ko na lang si Ariya na makawala ka­si malayo naman siya sa GC (general classification),” kuwento ni Galedo.

Nagsubi ang SEA games gold medalists na si Galedo ng  $950 premyo top prize, dagdag ang kanyang pa­nalo sa Stage 3 ($810) at third place finish sa Stage 2 ($200). May bahagi rin siya  sa pagkakapuwesto sa third ng 7-Eleven sa general team classification.

Mayroon pa siyang $150 bilang runner-up sa King of the Mountain classification kay Phounsavath na nakalamang lang ng isang puntos, 27-26 at at $150 uli sa sprint classification.

Malayo ito sa tinatayang P2 milyong napanalunan sana ni  Galedo sa  huling 14-stage na karerang kanyang nilahukan ngunit ang kanyang panalo ay sapat na pa­ra ibaon sa limot ang ala-ala ng kanyang pagkatalo.

“Wala na ‘yun (pagkaunsiyami sa huling karerang ni­lahukan), nangyari na. Kakalimutan na lang natin at sana huwag na lang maulit uli,” ani Galedo. “Isa lang nasa isip ko, ‘yung manalo dahil ‘yung nangyari sa amin sa nakaraang karera na from GC (general classi­fication)  napunta sa third. Kailangang maipuwesto ko ‘to para mawala ‘yung pag-iisip ko sa pagkatalo.”

Bukod sa premyo ay nakakuha din ang climber na si Galedo ng 40 UCI points bukod pa sa kanyang 8 points at 2 points sa Stage 3 at Stage 2 at mayroon pa si­yang parte sa 16 UCI points sa team classification sa third placer na 7-Eleven.

Bago ang stage 4 ay nasa second place na ang Team 7-Eleven sa general team classification ngunit na­laglag sila sa third place dahil nahatak sila ng pagka­ka-disqualify ni Baler Ravina.

Nakita ng Commissaire si Ravina na nagpahatak sa kanilang team vehicle.

Nakatakdang magtungo si Ravina sa Hawaii na pa­rang bonus trip niya ngunit mayroon siyang idedepensang titulo sa Pedal to the Meadow na isa ring clim­bing race.

ARIYA PHOUNSAVATH

AUSTRALIAN ERIC TIMOTHY SHEPPARD

BAGUIO CITY

BALER RAVINA

BURNHAM PARK

GALEDO

SHY

STAGE

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with