^

PM Sports

Texters pasok sa semis; Express wagi sa Beermen

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi na nagamit ng Talk ‘N Text ang kanilang hawak na ‘twice-to-beat’ advantage matapos sibakin ang No. 8 Barangay Ginebra, 97-84, at sikwatin ang unang semifinals ticket sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo sa Gin Kings ang pang-10 sunod ng Tropang Texters matapos walisin ang siyam na laro sa eliminasyon.

Ang mananalo sa pagitan ng No. 4 Rain or Shine at No. 5 Meralco ang siyang lalabanan ng Talk ‘N Text sa best-of-five semifinals series.

Umiskor si import Richard Howell ng 41 points para sa Tropang Texters.

Sa unang laro, may ‘twice-to-beat’ disadvantage, giniba ng No. 7 Air21 ang No. 2 San Miguel Beer, 92-79, para sa tsansang makapasok sa semifinals.

Tumipa si Sean Anthony ng 12 sa kanyang 25 points sa fourth quarter para sa pagbangon ng Express mula sa isang three-game losing slump.

Ang panalo ng Air21 sa Biyernes laban sa San Mi­guel Beer, nagdadala ng 'twice-to-beat' advantage, ang mag­papasok sa kanila sa semifinals.

Ikinasa ng Express ang pinakamalaki nilang kalamangan sa Beermen sa 17 points, 41-24, sa gitna ng se­cond quarter.

Naibaba ito ng San Miguel Beer sa 67-77 sa final can­to bago makalayo ang Air21 sa 91-77.

Tumapos si Anthony na may 25 points kasunod ang 18 ni Witherspoon at 17 ni Taulava para sa Express, habang may 11 si Eloy Poligrates at 10 si Joseph Yeo. (Russell Cadayona)

AIR21 92 - Anthony 25, Witherspoon 18, Taulava 17, Poligrates 11, Yeo 10, Ramos 5, Borboran 2, Villanueva 2, Cardona 2, Burtscher 0, Camson 0.

San Miguel Beer 79 - Jones 34, Lutz 11, Santos 10, Ross 9, Fajardo 5, Mercado 5, Maierhofer 2, Lassiter 2, Hu­balde 1, Duncil 0, Tubid 0, Kramer 0.

Quarterscores: 29-20; 45-34; 63-54; 92-79.

Talk ‘N Text 97 - Howell 41, De Ocampo 15, Castro 13, Fonacier 12, Alapag 5, Williams 4, Carey 4, Canaleta 3, Salamat 0, Seigle 0, Aban 0, Reyes Jai 0, Reyes Ryan 0, Baclao 0.

Ginebra 84 - Caguioa 19, Freeman 15, Tenorio 12, Urbiztondo 9, Ababou 7, Aguilar 7, Slaughter 6, Baracael 4, Helterbrand 2, Mamaril 2, Reyes 1, Ellis 0.

Quarterscores: 27-21; 42-34; 79-53; 97-84.

BARANGAY GINEBRA

DE OCAMPO

ELOY POLIGRATES

GIN KINGS

JOSEPH YEO

N TEXT

QUARTERSCORES

SAN MIGUEL BEER

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with