San Mig Coffee babawi sa pagharap sa Air21
MANILA, Philippines - Pipilitin ng San Mig Coffee na makabawi mula sa dalawang sunod na kamalasan, habang palalakasin ng Rain or Shine ang kanilang tsansa sa quarterfinal round.
Sasagupain ng Mixers ang Air21 Express nga-yong alas-5:45 ng hapon kasunod ang pagharap ng Elasto Painters sa Talk ‘N Text Tropang Texters sa alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos magtala ng malinis na 3-0 marka ay dalawang sunod na kabiguan ang natikman ng San Mig Coffee, naghari sa nakaraang PBA Philippine Cup.
Nanggaling naman ang Air21 sa panalo matapos kunin ang 97-95 tagumpay kontra sa Barangay Ginebra noong Marso 26 kung saan tumipa si import import Wesley Witherspoon ng 25 points.
Sa ikalawang laro, pupuntiryahin ng Rain or Shine ang kanilang ikatlong sunod na panalo para mapalakas ang pag-asa sa quarterfinals berth sa pagsagupa sa Talk ‘N Text.
“We’re 3-3, we’re in the middle of the pack. We have three games left, we need to win two of our last three games,†ani Elasto Painters’ coach Yeng Guiao sa kanilang pagharap sa Tropang Texters, Express at Gin Kings.
Ang Globalport ang huling biniktima ng Rain or Shine matapos kunin ang 99-75 panalo noong Marso 31 kung saan humakot ang baguhang si Wayne Chism ng 17 points at 17 rebounds.
Hindi naman makakaapekto sa paghawak ng Talk ‘N Text sa No. 1 seat sa quarterfinals kung matalo man sila sa Rain or Shine at Globalport sa eliminations.
“We have to continue the momentum going as we go to the next round,â€wika ni mentor Norman Black sa kanyang Tropang Texters, nagmula sa 81-75 panalo laban sa Mixers noong Marso 31 para sa kanilang pang-pitong dikit na arangkada. (RC)
- Latest