^

PM Sports

Ateneo volleybelles nalo pa rin kahit kulang ang puwersa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Limitado ang playing time ni Alyssa Valdez habang ang mahusay na libero na si Denden Lazaro ay wala dahil may pagsusulit sa isang medical school.

Ngunit naroroon sina Amy Ahomiro, Michelle Morente at Miren Gequillana para punuan ang mga puwestong ito at ang Ateneo Lady Eagles ay umani ng 25-13, 25-18, 25-20, panalo laban sa Southwestern U Lady Cobras sa Shakey’s V-League Season 11 First Confe-rence kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 13 puntos si Ahomiro na nilakipan ng apat na blocks at dala-wang service aces pero sina Morente at Gequillana ay naghatid ng tig-siyam na puntos at may pinagsanib na 16 kills.

Tumapos pa rin si Valdez tangan ang pitong puntos habang si Morente ay may naibigay pang 10 digs para tulungan ang UAAP champion na kunin ang ikalawang panalo matapos ang tatlong laro sa Group A sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Nagdomina ang Lady Eagles sa Lady Cobras sa lahat ng aspeto ng laro, kasama rito ang 38-19 kalamangan sa attacks upang maisantabi ang 29 errors sa laro.

Si Loida Abellana ang nanguna sa SWU bitbit ang apat na puntos lamang upang malaglag ang CESAFI titlist sa ikaapat na sunod na kabiguan matapos ang limang laro para mamaalam na sa ligang may suporta pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.

Nagpatuloy ang impresibong paglalaro ng UAAP juniors MVP na si Ennajie Laure habang tatlong iba pa ang gumana rin para tulungan ang UST Lady Tigresses sa 25-15, 19-25, 25-18, 25-13, panalo sa FEU Lady Tamaraws sa ikalawang laro.

Si Bernadette Pons ay may 14 puntos para sa Lady Tamaraws na nakatabla ang UST at pahi-ngang San Sebastian sa 1-1 baraha sa Group B. (AT)

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ATENEO LADY EAGLES

DENDEN LAZARO

ENNAJIE LAURE

FIRST CONFE

GROUP A

GROUP B

LADY

LADY TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with