^

PM Sports

Bong Dela Cruz bagong coach ng UST Tigers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pormal na itinalaga si Segundo “Bong” dela Cruz III, dating star point guard ng UST junior team bilang bagong basketball coach ng Tigers kapalit ni Pido Ja-rencio na coach na ng Globalport sa PBA.

“Fr. Rector (Herminio Dagohoy) already appointed coach Bong de la Cruz to be our men’s basketball coach,” sabi ni UST representative to the league board Gilda Kamus, na siyang nag-announce.

Marami ang nasorpresa sa appointment ni Dela Cruz dahil ang dating assistant coach na si Ernesto Ballesteros na rekomendado mismo ni Jarencio ang inaasahang ilalagay sa puwesto.

Ang iba pang ikinonsidera ay sina Siot Tanquincen, Gerard Francisco, Benet Palad at Beaujing Acot.

Si Dela Cruz ang ace playmaker ng UST junior team sa huling bahagi ng dekada 80 na may ipinagmamalaking Marlou Aquino at EJ Feihl na lumipat sa Adamson Falcons pagtuntong ng college.

Pagkatapos ng appointment ni Dela Cruz na na-ging UAAP junior MVP din, sinabi niyang kailangan na niyang magprepara agad para sa nalalapit na UAAP basketball season.

“Nothing new in the team, there are players co-ming back and we’re still recruiting rookies,” sabi ni Dela Cruz.

Sina Louie Vigil at Jon Macasaet, isang San Sebastian transferee ay bumalik na sa team matapos mag-sit-out noong nakaraang taon dahil sa injuries.

Inaasahang pupunan nila ang puwestong iniwan nina Jeric Teng, Clark Bautista at Roberto Hainga.

Nagpasabi na si Dela Cruz ng kanyang intensiyong sumali sa 20th Fr. Martin Summer Cup bilang bahagi ng kanilang UAAP buildup ngunit hindi pa siya nagko-commit sa ibang summer leagues.

ADAMSON FALCONS

BEAUJING ACOT

BENET PALAD

CLARK BAUTISTA

CRUZ

DELA CRUZ

ERNESTO BALLESTEROS

GERARD FRANCISCO

GILDA KAMUS

HERMINIO DAGOHOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with