Nash gusto nang lumaro vs Wizards sa Biyernes
MANILA, Philippines - Matapos ang limang linggo sa sidelines, plano ni Los Angeles Lakers guard Steve Nash na bumalik sa lineup sa Biyernes ng gabi, sabi ng league sources sa Yahoo Sports.
Plano ng Lakers, isa lamang ang malusog na point guard na naglalaro, na gamitin si Nash bilang backup kay Kendall Marshall laban sa Washington Wizards sa Staples Center.
Sumali si Nash, isang two-time NBA MVP, sa isang full practice session ng Lakers noong Huwebes.
Sinabi ni Lakers coach Mike D’Antoni na maaa-ring bumalik si Nash sa 15 huling laro ng koponan sa regular season.
Ipinaalam din ni D’Antoni sa mga reporters na magbabalik sina guard Nick Young at forward Jordan Hill mula sa injuries.
Nagkaroon naman ng injury si Lakers point guard Jordan Farmar kamakailan.
Nagkaroon ang 40-anyos na si Nash ng nerve damage sa kanyang likod bukod pa sa hamstring injuries ngayong season.
Hindi pa naglalaro si Nash, nagtala ng mga ave-rages na 7.6 points at 4.7 assists sa 10 laro, sapul noong Pebrero 11.
- Latest