^

PM Sports

Okay lang kay Bradley kung siya ang underdog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi alintana ni WBO welterweight champion Timothy Bradley, Jr. kung itinuturing siyang underdog laban kay Manny Pacquiao.

Nasa ganitong sitwasyon din si Bradley dalawang taon na ang nakakaraan nang labanan niya si Pacquiao, ngunit ginulat ang buong mundo nang itakas ang isang split decision win.

Para sa kanilang April 12 rematch, muling papasok si Pacquiao bilang paborito sa hanay ng mga sports betting lines sa kanyang bitbit -180, habang si Bradley ay may +160.

Ito ay nangangahulugan na ang $180 taya kay Pacquiao ay kikita ng $100, habang ang $100 pagtaya kay Bradley ay may katumbas na $160.

Ayon kay Bradley, ang nasabing odds ay wala sa kanyang isipan.

“He was a huge favo-rite (in the first fight). And at the end of the night, I won the fight. I beat him, and nobody was ready for it - not even the odds-makers,” sabi ni Bradley sa ulat ni Bev Llorente ng ABS-CBN News North America.

Hindi rin pinansin ni Bradley ang babala ni Pacquiao na reresbakan siya.

“I’ve already been in the ring with Pacquiao. I know what to expect, I know what I got to do to win the fight. I know what he is gonna bring,” wika ng undefeated American.

“I know he is gonna try to bring the pressure on me. It’s not gonna work. Right now, it’s not gonna work. He is gonna have to definitely out-think me in there. He has to be a lot faster,” dagdag pa nito.

Samantala, hindi naman sumabak sa training si Pacquiao dahil may jet lag pa ang Filipino boxing champion.

Dumating sina Pacquiao at trainer Freddie Roach sa Los Angeles noong Linggo para ipagpatuloy ang kanilang paghahanda sa Wild Card Gym sa Hollywood.

BEV LLORENTE

BRADLEY

FREDDIE ROACH

LOS ANGELES

NEWS NORTH AMERICA

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

WILD CARD GYM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with