Martinez hindi na sasali sa World event
MANILA, Philippines - Dahil sa posibilidad na lumala pa ang mga tiÂnamong injuries ay minaÂbuti ng mga tumitingin kay Michael Christian MarÂtinez na ipagpaliban niÂto ang pagsali sa World Junior Figure Skating Championship sa Sofia, BulÂgaria sa Marso 10-16.
Nasa US na si Martinez at nagsasanay na para sa nasabing kompetisyon nang irekomenda ng kanyang doktor na huwag ituloy ang pagsali na agad na sinunod din ng kanyang coach.
“Michael’s doctor has recommended that he withÂdraw from the World JuÂnior since his injury has not completely healed yet, and his falls during the curÂrent practices are adÂding to the injuries,†wika ng ina na si Maria Teresa sa Facebook.
“Michael is withdraÂwing from the Bulgaria comÂpetition. It’s the doctor’s and coach’s decision,†dagdag nito.
Hanap sana ng 17-anÂyos na si Martinez na maiÂpakitang muli ang huÂsay sa figure skating na kanÂyang ipinamalas nang lumahok sa Sochi Winter Games noong nakaraang buÂwan.
Si Martinez ang lumabas bilang kauna-unahang Filipino at South East Asian figure skater na naÂsali sa prestihiyosong komÂpetisyon sa Russia at ginulat niya ang lahat nang makapasok sa final round sa dalawang araw ng kompetisyon.
Siya ay nalagay sa ika-19 puwesto sa 29 na naglaro upang ideklara ng mga television commentators si Martinez na may kinabukasan sa nasabing sport.
- Latest