^

PM Sports

Rain Or Shine haharap ngayon kay Salud

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniurong ngayong umaga ang dapat na pagpupulong sa pagitan ng PBA Commissioner’s Office at opisyales ng Rain Or Shine kahapon matapos ang muntik nang pagwo-walkout ng koponan sa Game Six ng PBA Philippine Cup finals noong Miyerkules ng gabi.

Ang Elasto Painters ang siyang humingi ng pagpapaliban ng meeting na agad ding pinaunlakan ni PBA commissioner Atty. Rodrigo Salud upang mapalamig pa ang sitwasyon.

Sa 11:39 ng ikalawang yugto at abante ng 13 ang San Mig Coffee, 30-17, nang atasan ni ROS coach Yeng Guiao ang mga bataan na tumungo  ng kanilang dugout nang di nagustuhan ang tawag kay JR Quiñahan matapos ang defensive play kontra kay Marc Pingris.

Bumalik din ang ROS sa court matapos ang halos limang minuto at ipinagpatuloy ang laban na napanalunan din ng tropa ni coach Tim Cone, 93-87, para kunin ang pinag-labanang titulo.

Hindi nagbigay ng anumang pahayag si Salud sa nangyari hanggang hindi nadidinig ang paliwanag ng Rain Or Shine na inaasahang kakatawanin sa pagpupulong si board representative Atty. Mamerto Mondragon at team ma-nager Boy Lapid.

Pero malinaw umano sa batas ng liga ang mga kaparusahan sa bawat kamalian na gagawin ng mga coaches, players, officials at koponan at ito lamang ang ipaiiral ni Salud.

Nakasaad sa pinaigting na PBA By-Laws na  ang ‘partial walkout’ ay papatawan ng P2M.

 

ANG ELASTO PAINTERS

BOY LAPID

GAME SIX

MAMERTO MONDRAGON

MARC PINGRIS

PHILIPPINE CUP

RAIN OR SHINE

RODRIGO SALUD

SAN MIG COFFEE

TIM CONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with