^

PM Sports

Boxing event ibinalik sa 2015 Singapore SEAG calendar

Pang-masa

MANILA, Philippines - Balewala ang Southeast Asian Games kung walang boxing event.

Sa paglitaw ng balitang tatanggalin ang boxing sa initial list ng Southeast Asian Games Federation, nagkagulo ang mga top Filipino officials.

Ngunit naibalik na ito sa calendar of events matapos aprubahan ng sports and rules committee ng SEAGF ang paglilista nito kasama ang lima pang sports sa listahan ng paglalabanan  sa 28th SEAG edition sa Hunyo 5-16 sa Singapore sa susunod na taon.

Nauna nang inaprubahan ng organizing committee ang isang initial list na 30 sports disciplines, ngunit hindi kasama ang boxing.

Subalit sa nakaraang pulong sa Singapore, kinumpirma ni Phl Olympic Committee chair Tom Carrasco ang pagsasama sa boxing bukod pa sa traditional boat race, equestrian, indoor volleyball, petanque at floorball.

“Total sports approved to date are now 36,” sabi ni Carrasco na dumating kahapon mula sa SEAGF meeting sa Singapore.

Sa 36 sports, ang 24 dito ay Olympic sports, habang ang 34 ay bahagi ng Asian Games calendar at dalawa ang non-Olympic and Asiad events.

Sa nakaraang SEA Games sa Myanmar ay nag-uwi ang bansa ng kabuuang 3 gold, 4 silver at 3 bronze medals mula sa boxing.

“It’s a welcome news, very good news,” sabi ni Amateur Boxing Association of the Philippines exe-cutive director Ed Picson na kasalukuyang nasa Ho Chi Min sa Vietnam.

Sinabi naman ni Carrasco na maaari pang tumanggap ang host country ng isa o dalawa pang events na kinabibilangan ng karatedo, weightlifting at kempo.

“There are requests among the members but the strongest candidates are karatedo, weightlifting and kempo in that order. I think, if Singapore will decide on it, they will choose only one,” ani Carrasco.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN GAMES

CARRASCO

ED PICSON

HO CHI MIN

OLYMPIC AND ASIAD

PHL OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SOUTHEAST ASIAN GAMES FEDERATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with