PVF kinokonsiderang kumuha ng Brazilian coach para buhayin ang beach volleyball sa bansa
MANILA, Philippines - Isang Brazilian coach ang tinitingnan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) para buhayin ang beach volley sa bansa.
Ayon kay PVF secretary-general Rustico Camangian, tutulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagkuha ng dayuhang coach gamit ang kanilang pinirmahang Memorandum of Understanding sa Brazil.
Sinelyuhan ang MOU noong bumisita sa Brazil si PSC chairman Ricardo Garcia noong Marso 2013.
“We truly welcome the support being extended to us by the PSC specially in our drive to get a foreign coach to help training our players for future beach volley international tournaments,†wika ni Camangian.
Walang National teams sa larong ito matapos i-disband ng PSC ang dating men’s at women’s team nang napag-alaman na hindi ito nagsasanay.
Kasabay nito ay inihayag din ni Camangian ang pagkakatalaga kay Rhoyvl Verayo bilang National coach.
Si Verayo ay isa sa mga mahuhusay na beach volley players noong aktibo pa sa pag-lalaro at kasama sa sinalihan ay ang 2006 Qatar Asian Games kasama si Parley Tupaz.
Ang kanyang karanasan ay sinasandalan ng PVF na makakatulong para makadiskubre at makapaghasa ng mahuhusay na manlalaro.
- Latest