^

PM Sports

Matapos mabigo sa unang 2 hinete Seni Seviyorum wagi kay jockey Hernandez

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahusay na ginabayan ni Jonathan Hernandez ang Seni Seviyorum para kuminang ang kabayo sa unang karera sa buwan ng Pebrero noong Martes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Hernandez ang ikatlong hinete na sumakay sa nasabing kabayo sa taon pero siya ang pinalad na nakapaghatid sa panalo sa class division 5 na inilagay sa 1,100-metro distansya. Sa pagbukas ng aparato ay agad na inuna ni Hernandez ang kabayo at kahit na naghabol ang ibang katunggali ay hindi naubos ang Seni Seviyorum para sa magarang panalo.

Ang Kidney’s Magic sa pagdadala ni A.B. Serios ang pumangalawa habang ang paboritong Purple Ribbon ay tumapos lamang sa ikaapat na puwesto.

Pumalo ang win sa P16.50 habang ang forecast na 6-5 ay may P18.50 dibidendo.

Sinilat din ng Narra ang napaborang Golden Rule sa isang special class divison race sa 1,100m.

Lumabas ang magandang kondisyon ng Narra nang rumemate ito sa huling 100-metro at nanalo kahit nalagay sa ikalimang puwesto.

May kalahating dipang iniwan ng kabayong hawak ni Jessie Guce at pinatawan ng pinakamabigat na handicap weight na 57 kilos ang Golden Rule na diniskartehan ni Val Dilema.

Ikalawang panalo sa huling tatlong takbo ito ng Narra na nagpamahagi ng P35.50 sa win habang P53.00 ang ibinigay sa 9-10 forecast.

Ang lumabas na pinakaliyamadong kabayo na nanalo ay ang Tony Pee na ginabayan ni Serios.

Walang nakasabay sa malakas na pag-arangkada ng nasabing kabayo tungo sa unang panalo sa taon.

May P7.00 ang ibinigay sa win habang ang pagsegundo ng nadehado pang Camorra para sa 11-10 forecast ay may P32.50 dibidendo.

Samantala, magsisimula ang dalawang araw na pista sa MetroTurf sa Malvar, Batangas  at may walong karera ang nakaprograma sa gabing ito.

Labanan ng Lambing Pinay, Fair Wind at Kiss Me ang maaaring mangyari sa race one na isang class division 1A sa 1,200m. Susundan ito ng isang handicap race 1 at ang mga inaasahang magsusukatan ay ang Beautiful Miss, The Flyer, Mapaghinala at coupled entry Gio Conti at City Girl.

Isang 3-YO special handicap race ang race three at ang Handsome Prince, Queen Of Ballet at Westminster ang maaaring magsukatan habang ang race four na isang CD 1C ay bakbakan ng Empire Princess, Graceful Nonour, Blushing Dream at Monalisa’s Smile. Ang Remus at Diamondareforever ang sa race five, ang Real Steel, Stand In Awe at stable mate Tiger Run at Consolidator ang sa race six. (AT)

ANG KIDNEY

ANG REMUS

BEAUTIFUL MISS

CITY GIRL

EMPIRE PRINCESS

FAIR WIND

GIO CONTI

GOLDEN RULE

RACE

SENI SEVIYORUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with