IOC nagbigay ng P20M para sa ‘Yolanda’ victims
MANILA, Philippines - Nagpahabol ang InÂterÂÂnational Olympic ComÂÂmittee (IOC) ng tuÂlong para sa mga biktima ng bagÂyong ‘Yolanda’ nang iaÂÂnunsyo sa isinagawang Olympic Council of Asia (OCA) General AsÂsembly kahapon ang doÂnasyon na $450,000.00 (haÂlos P20 milyon).
Sa Philippine International Convention Center (PICC) ginawa ang pagÂpuÂpulong at si OCA presiÂdent Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait ang nagÂsabi nito sa harap ng mga delegado sa panguÂnguna ni IOC vice president John Coates.
Ang hakbang ng IOC ay matapos ang liham gaÂling kay IOC president Thomas Bach ng GerÂmaÂny na nagsasaad ng kaÂlungkutan sa nangyari sa bansa at hangaring makabangon na agad ang mga nabiktima.
Ang pondo ay nagmuÂla sa tig-$150,000.00 gaÂling sa IOC, OCA at OlymÂpic Solidarity ProgÂram at gagamitin ito sa reÂnobasyon sa mga pasilidad sa sports na nasira ng super typhoon.
Nagpasabi rin ang Japan Olympic Committee (JOC) ng pledge na $30,000.00 na gagamitin paÂra sa relief operation sa mga biktima.
Ang kinatawan ng bansa sa IOC na si Mikee CoÂjuangco-JaÂworsÂki ang maÂÂngaÂÂngasiwa nito.
- Latest