No. 2 berth kinuha ng Rain or Shine: Petron nakuntento naman sa No. 3
MANILA, Philippines - Kagaya ng sinabi ni head coach Yeng Guiao, ayaw na niyang maging komÂplikado ang pag-angkin ng Rain or Shine sa No. 2 ticket sa quarterfinal round.
Mula sa dikitang laro sa third period ay kumaÂwala ang Elasto PainÂters sa fourth quarter para taÂÂlunin ang sibak nang Air21 Express, 104-94, at sikwatin ang No. 2 spot sa quarterfinals ng 2013-2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta CoÂliseum.
Umiskor ang mga rooÂkies na sina Raymond AlÂmazan, Alex Nuyles at JeÂric Teng ng tig-13 points para sa franchise record na pitong sunod na arangkada ng Rain or Shine.
Katulad ng No. 1 team na Ginebra Gin Kings, haÂhawak rin ang Elasto PainÂters ng ‘twice-to-beat’ adÂvantage bilang No. 2 squad laban sa No. 8 at No. 7, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.
“We prepared seriousÂly for this game. We knew it would be crucial for us to get the twice-to-beat adÂvantage,†sabi ni Guiao. “Everybody made a conÂtriÂbution for us.â€
Matapos makalapit ang Air21 sa 74-77 agwat sa dulo ng third quarter ay lumayo ang Rain or Shine sa pagÂtaÂtayo ng isang 16-point lead, 98-82, sa huÂling 5:01 minuto ng fourth quarÂter.
Nagdagdag sina Ryan Araña at Larry Rodriguez ng tig-10 markers para sa Elasto Painters.
Binanderahan naman niÂna Joseph Yeo at Niño ‘KG’ Canaleta ang Express mula sa kanilang tig-19 points kasunod ang 17 ni Vic Manuel.
Nagdagdag si Asi Taulava ng 16 markers, habang may 13 si Ren-Ren RiÂtualo, Jr.
Sa unang laro, itinala ni 6-foot-10 June Mar FaÂjardo ang kanyang pang-10 double-double nang huÂmakot ng 19 points at 15 rebounds sa paggiya sa Petron Blaze sa 96-87 paÂnalo laban sa Meralco.
“It’s a good way to bounce back after a loss, coÂming into the quarterfiÂnals, we want to have some sort of momentum,†ani coach Gee AbanilÂla.
Dahil sa kabiguan, ipagÂdarasal ng Bolts na maÂnalo ang Barako Bull Energy kontra sa Alaska Aces ngayong alas-3 ng hapon sa Big Dome para makamit ang No. 8 slot.
Sa ikalawang laro sa alas-5:15 ay magtatagpo naman ang Gin Kings at ang three-time defending champions na Talk ‘N Text Tropang Texters.
PETRON 96 - Fajardo 19, Ross 18, Santos 17, CaÂbagnot 14, Lutz 12, Kramer 6, Duncil 4, Tubid 2, Taha 2, Lanete 2.
Meralco 87 - David 18, Ildefonso 17, Dillinger 16, WilÂson 13, Hodge 13, AllaÂdo 5, Hugnatan 3, Artadi 2, Timberlake 0, Salvacion 0, Al Hussaini 0.
Quarterscores: 15-15; 44-33; 70-56; 96-87.
RAIN OR SHINE 104 - Almazan 13, Nuyles 13, Teng 13, Araña 10, Rodriguez 10, Belga 7, Cruz 7, Chan 7, Lee 7, Norwood 7, Tiu 5, Tang 2, Ibañes 2, Quiñahan 1.
Air21 94 - Yeo 19, CanaÂleta 19, Manuel 17, Taulava 16, Ritualo 13, Custodio 6, Cardona 4, Borboran 0, Jaime 0, Matias 0, Espiritu 0, Sharma 0, Camson 0.
Quarterscores: 28-17; 54-41; 81-74; 104-94.
- Latest