OCA president bibisita kay P-Noy
MANILA, Philippines - Makikipagkita si Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Kuwait, presidente ng Olympic Council of Asia, kay President Aquino ngayon sa Malacañang.
Ang 50-gulang na dignitary ay sasamahan sa Palasyo ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco at OCA director general and technical director Husain Al-Musallam.
Ang courtesy ay gaganapin, dalawang araw bago idaos ng OCA ang general assembly sa PICC, isang event na dadaluhan ng daan-daang delegates mula sa 45 member countries.
Nakatakdang duma-ting kagabi si Al-Sabah, OCA president simula noong 1991, sakay ng kanyang private jet.
Walang tiyak na agenda sa pagitan ng Presidente at ni Al-Sabah ngunit tiyak na pag-uusapan nila ang sports, politics at business kabilang ang posibleng investments sa Philippines.
Bukod kay Al-Sabah, maraming VIPs ang dadalo sa OCA’s executive board meeting bukas sa Sofitel Philippine Plaza at sa kanilang General Assembly sa Sabado na masasabing isang pagtitipon ng mga royalties.
Kabilang sa mga darating ay sina Prince Jefri Bolkia ng Brunei; Tsunekazu Takeda ng Japan Olympic Committee at OCA vice president at Prince Tsuneyoshi Takeda kasama si Tengku Abdullah, tagapagmana ng Malaysian throne.
“Tourism and business investment wise, this is a big opportunity for the Philippines,†sabi ni Cojuangco.
Darating din si International Olympic Committee vice president John Coates ng Australia matapos mag-beg-off si IOC president Thomas Bach ng Germany dahil may nauna na itong commitments.
Si Sergey Bubka, 1988 Olympic gold medalist at six-time world champion in pole vault, ay nandito na sa bansa noon pang Sabado at bumisita na sa Boracay. Siya ang pinuno ng Ukraine Olympic Committee.
Nauna na ring dumating si Vinod Kumar Tiwari, director for International and National Olympic Relations of OCA dito sa bansa.
- Latest