NYO at Asiad tututukan ng POC sa 2014
MANILA, Philippines - Matapos ang kabiguan sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar ay paghahandaan naman ng mga Filipino athletes ang dalawang malalaÂking international events sa taong 2014.
Ang mga ito ay ang Nanjing Youth Olympics na nakatakda sa Agosto 16-28 at ang Incheon Asian Games na idaraos sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
Sinabi kahapon ni PhiÂlippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco, Jr. na ito na ang panahon para tutukan ang mga malalaki at maÂbibigat na events sa susunod na taon.
“We really need to spend more money because we are not feeding our athletes right. If we want to be competitive we need to spend more on our athletes,†wika ni CoÂjuangco.
Sa kabila ng pagtatapos ng bansa sa seventh-place finish sa Myanmar SEA Games, optimistiko pa din si Cojuangco na maÂkakapagpakita ng maÂganda ang bansa sa nasaÂbing dalawang internatioÂnal events sa 2014.
Ngunit marami pang traÂÂbaho ang dapat gawin.
“We really need to spend more money,†wika ni Cojuangco.
- Latest