Mas exciting ang Phil. Super Liga sa 2014
MANILA, Philippines - Mas katutuwaan ng mga mahihilig sa volleyball ang inihahandang palaro ng Philippine Super Liga sa 2014.
Dalawang conferen-ces, pagkakaroon ng drafting at mas maraming koponang maglalaro at ang posibilidad na gawin ang aksyon sa mas ma-laking palaruan ang sinisipat ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara upang higitan ang tagumpay na tinamasa ng PSL Grand Prix na natapos noong Sabado.
Ayon kay Suzara, nasa walong koponan ang posibleng magbakbakan sa kababaihan habang anim ang sa kalalakihan sa unang conference na All-Filipino Conference sa Marso 29.
Papayagan na rin ng pamunuan na ang mga magbabalik na teams na magbitbit ng siyam na manlalaro sa kasalukuyang line-up habang ang limang manlalaro na kukumpleto sa 14-man line-up ay huhugutin sa isasagawang drafting bago ang susunod na conference.
“Maraming mga ba-gong players na papasok lalo na at tapos na ang NCAA at UAAP playing years,†wika ni Suzara.
Naghahanap din ang nag-organisang Sports Core ng mas malaking palaruan dahil nakikita nilang lalawig pa ang interes sa sport na ito.
Sa ikalawang sunod na conference ay muling na-ngibabaw ang TMS-Army nang talunin uli ang Cignal HD Spikers sa four-sets.
Ang dalawang koponang ito ang siya ring nagtuos sa Invitational Conference at sa apat na sets ay tinalo ng Lady Troopers ang HD Spikers.
Habang malakas na ang suporta sa women’s volleyball, umani din ng mainit na pagtanggap ang kauna-unahang men’s division na kung saan ang PLDT-MyDSL na pinamumunuan ng actor na si Richard Gomez ang nagkampeon nang talunin ang Systema sa limang mahigpitang laro.
Babalik din ang television partner na Solar Sports at TV5 na sa nagdaang conference ay malaki ang naging papel para bumangon ang PSL dahil sa pagsasa-ere ng kanilang mga laro.
- Latest