Jeron Teng bida sa UAAP-NCAA Awards
MANILA, Philippines - Inangkin ni La Salle star Jeron Teng ang top honors sa 2013 Collegiate Basketball Awards na handog ng UAAP-NCAA Press Corps at SMART kagabi sa Saisaki-Kamayan EDSA sa Greenhills.
Napasakamay ni Teng, tinulungan ang Green Archers na makopo ang UAAP championship ngayong season, ang SMART Player of the Year sa taunang event na inorganisa ng mga manunulat mula sa national broadsheets, tabloids at websites na nagko-cover ng collegiate basketball.
Nasa kanyang sophomore year, kinilala si Teng hindi lamang dahil sa kanyang mahusay na pag-lalaro kungdi pati sa ipinakita niyang sportsmanship at pagpapakumbaba sa loob at labas ng basketball court na humirang sa kanya bilang role model sa mga batang players.
“[Jeron] is there to to motivate his teammates. I also like his mentality in the end game where he takes it hard to the basket,†sabi ni La Salle coach Juno Sauler sa kanyang top gunner.
Nakasalo ni Sauler sa UAAP Coach of the Year honor si San Beda tactician Boyet Fernandez matapos igiya ang Red Lions sa ikaapat na sunod na NCAA crown.
Naibilang din si Teng sa Collegiate Mythical Team kasama sina Far Eastern University scorer Terrence Romeo, Letran center Raymond Almazan, San Beda import Ola Adeogun at National University gunner Bobby Ray Parks.
May iba pang La Salle at San Beda players na binigyan ng award sa event na sinuportahan ng Smart Sports, Accel 3XV1, Gatorade, Meralco, Talk ‘N Text, Filoil Flying V, UAAP Season 76 host Adamson, NCAA Season 89 host College of St. Benilde at Philippine Sportswriters Association.
Pinagsaluhan nina Arnold Van Opstal at Art dela Cruz ang Pivotal Player citations, habang kapwa kinilala sina Jason Perkins at Baser Amer bilang Impact Players at ang Super Senior ay iginawad kina Rome dela Rosa ng San Beda, University of Santo Tomas star Jeric Teng at FEU guard RR Garcia.
- Latest