^

PM Sports

La Salle vs San Beda para sa Yolanda victims

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang magtuos ang mga collegiate champions na La Salle Green Archers ng UAAP at ang San Beda Red Lions ng NCAA sa Disyembre 7 sa Smart-Araneta Coliseum sa layuning makaipon ng pondo na itutulong para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

“We all know all of us like to see play the UAAP champion play the NCAA champion who gets to win,” wika kahapon ni Joey Guillermo ng nag-oorganisang Filoil Flying V Sports.

“But what’s more meaningful about this game is that its for a cause,” dagdag pa nito.

Nauna nang naglaban ang University of Santo Tomas at Letran, mga runners up sa nakaraang UAAP at NCAA season, ayon sa pagkakasunod, sa Letran Gym para tumulong din sa relief effort sa mga nasalanta ng bagyo.

Kamakailan ay nagdaos ang San Beda ng isang bonfire para makakuha ng tulong, habang nauna nang nagbigay ang NCAA ng pondo sa social arm ng TV5.

Sinikwat ng Green Archers at ng Red Lions ang kanilang mga league titles matapos talunin ang Tigers at ang Knights sa kani-kanilang championship series.

Ihaharap ng La Salle ni head coach Juno Sauler sina Finals MVP Jeron Teng, Arnold Van Opstal, Norbert Torres at Almond Vosotros, habang itatapat ng San Beda ni mentor Boyet Fernandez sina Rome dela Rosa, Ola Adeogun, Arthur dela Cruz at Baser Amer.

“We look forward to that game and at the same time to lend a helping hand to our unfortunate countrymen,” sabi ni Fernandez.

ALMOND VOSOTROS

ARNOLD VAN OPSTAL

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

FILOIL FLYING V SPORTS

GREEN ARCHERS

JERON TENG

JOEY GUILLERMO

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with