James at Wade nagbida sa panalo ng Heat laban sa Mavericks
MIAMI -- NagÂÂtuwang sina LeBron James at Dwyane Wade para ipanalo ang two-time champions na MiaÂmi Heat.
Naglista si James ng 39, habang nagposte si Wade ng 17 markers at caÂreer-best na 8 steals at 8 assists paÂra igiya ang Heat sa 110-104 panalo kontra sa Dallas Mavericks.
“You give me 37 shots in a game, I’ll have 60, 70,†wika ni James. “I had 40 tonight on 18 shots. If I get 37 shots in a game, I’m going to put up 60. Easy.â€
Hindi pa nakakaiskor si James ng 38 points mula sa kanyang 18 shots.
Si Wade naman ang naÂging ikalawang player sa kasaysayan ng Heat na nagÂposte ng eight-assist, eight-steal game matapos si Tim Hardaway.
Nagdagdag si Chris Bosh ng 14 points, habang may tig-11 sina Norris Cole at Rashard Lewis para sa MiaÂmi.
Naglista si Dirk NoÂwitzÂki ng 28 points para sa Dallas (5-4) kasunod ang 21 ni Vince Carter at 20 ni Monta Ellis.
Nag-ambag si Jose CalÂderon ng 12 markers para sa Dallas na nakagawa ng 24 turnovers.
“Our effort was good,†wika ni Mavericks coach Rick Carlisle. “The turnovers doomed us.â€
Lumamang ang Miami ng 13 points sa second half at naglaro sa huling 5:01 ng fourth quarter na wala si point guard Mario ChalÂmers.
Pinatalsik siya sa laro nang masiko niya sa ulo si NoÂwitzki sa kanyang pagÂlaban sa screen ni Samuel Dalembert ng Mavericks.
Sa Indianapolis, kumoÂlekta si center Roy Hibbert ng mga season-high na 24 points at 8 blocks bukod pa sa 10 rebounds para bandeÂrahan ang Indiana Pacers sa Milwaukee Bucks, 104-77.
Sa Toronto, naglaro ang Chicago Bulls na wala si Derrick Rose ngunit nagaÂwa pa ring talunin ang Raptors, 96-80.
Tumipa si Luol Deng ng 19 points, habang huÂmaÂkot si center Joakim Noah ng season-high na 18 points.
Sa Salt Lake City, huÂmuÂgot si Tony Parker ng 14 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para igiya ang San Antonio Spurs sa 91-82 panalo kontra sa Utah Jazz.
- Latest