^

PM Sports

Letran vs San Beda

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Letran ang impresibong paglala-ro ni Raymund Almazan habang magandang pagtutulungan ang ipinakita ng San Beda upang manalo ang dalawang koponan na nagtagisan sa kampeo-nato noong nakaraang taon sa 89th NCAA men’s basketball Final Four kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Gumawa ang 6’7” center ng 19 puntos, 23 rebounds at 9 blocks at pinamunuan niya ang malakas na paglalaro ng Knights sa second half tungo sa 85-58 dominas-yon sa San Sebastian.

Ang siyam na blocks ang pinakamarami sapul nang nakabutata ng 10 ang dating San Beda player na si Sudan Daniel noong tinalo ng Lions ang Perpe­tual Help, 92-61 na nangyari noong Setyembre 2010.

“Focus lang ako sa NCAA at gusto kong tulungan ang Letran na mag-champion,” wika ni Almazan na pinili bilang ikatlo sa pangkalahatan ng Rain Or Shine noong Linggo sa PBA Drafting.

May 11 puntos si CJ Perez para sa Stags na kahit natalo ay nakuha ang respeto ng liga dahil apat ang baguhan sa koponan kaya’t  hindi inasahan na aabot sa Final Four.

Sina Ola Adeogun, Arthur dela Cruz at Rome dela Rosa ang mga nagtulung-tulong nang paka-walan ng Lions ang 15-2 palitan sa pagbubukas ng fourth period tungo sa 70-51 demolisyon sa Altas.

Bago ito ay pinahirapan ng Altas ang Lions at ang split ni Adeogun sa foul ni Anthony Paulino ang nagtulak sa Lions sa 38-37 bentahe matapos ang ikatlong yugto.

Ang 6’7” na si Adeogun ay mayroong 11 puntos at 11 boards habang si Dela Cruz ay naghatid pa ng 14 boards at 11 puntos.

May siyam na puntos sina Dela Rosa at Dan Sara na siyang pumalit sa puwestong iniwan ni Ryusei  Koga na hindi na palalaruin sa playoffs upang hindi malagay sa alanganin ang hanap na 4-peat ng koponan.

Samantala, nanalo ang CSB-LSGH sa Mapua Red Robins, 59-56 sa overtime sa juniors division step-ladder semis.

Sunod na kakaharapin ng CSB-LSGH ang number two seed na San Sebastian Staglets bukas upang malaman kung sino ang makakalaban sa finals ng San Beda Red Cubs na may thrice-to-beat advantage.

 

vuukle comment

ADEOGUN

ALTAS

ANTHONY PAULINO

DAN SARA

DELA CRUZ

DELA ROSA

FINAL FOUR

LETRAN

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with